John Napier
John Napier | |
---|---|
Kapanganakan | 1 Pebrero 1550 (Huliyano)
|
Kamatayan | 4 Abril 1617
|
Nagtapos | Unibersidad ng St Andrews |
Trabaho | teologo, matematiko, astronomo, pisiko, imbentor, astrologo |
Si John Napier ng Merchistoun (1550 – 4 Abril 1617) - na lumalagda rin bilang Neper o Nepair - na may pangalang Marvellous Merchiston, ay isang Eskoses na matematiko, pisiko, astronomo, astrologo at ika-8 Laird ng Merchistoun, lalaking anak ni Sir Archibald Napier ng Merchiston. Higit siyang naaalala bilang ang imbentor ng mga logaritmo at mga buto ni Napier (Napier's bones sa Ingles)[1], at sa pagpapatanyag ng paggamit ng tuldok na desimal. Bahagi na ngayon ng Pamantasan ng Edinburgh ang pook ng kapanganakan ni Napier na Kastilyo ng Merchiston[1], kilala rin bilang Tore ng Merchiston, Edinburgo, Eskosya. Pagkaraang mamatay dahil sa piyo o gawt, inilibing si Napier sa Simbahan ni San Cuthbert, Edinburgo.
Kaugnay ng mga logaritmo, upang mapapayak ang mga kalkulasyon o pagsusuma na gamit ang kanyang mga logaritmo, umimbento siya ng isang pangkat ng pangsuma o pangkalkulang mga bareta o panukat, o mas pangkaraniwang tinatawag na "mga buto ni Napier" na naging mga ninuno ng mga pantuwid o ruler na napapadulas.[1]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 1.2 "John Napier". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), Dictionary Index ng titik na N, pahina 430.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Astronomiya, Talambuhay at Matematiko ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.