Pumunta sa nilalaman

John Roberts

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
John Roberts
Ika-17 Punong Mahistrado ng Estados Unidos
Kasalukuyang nanunungkulan
Unang araw ng panunungkulan
Setyembre 29, 2005
Nominated byGeorge W. Bush
Nakaraang sinundanWilliam Rehnquist
Hukom ng Hukuman ng Apelasyon ng Estados Unidos para sa District of Columbia Circuit
Nasa puwesto
Hunyo 2, 2003 – Setyembre 29, 2005
Nominated byGeorge W. Bush
Nakaraang sinundanJames Buckley
Sinundan niPatricia Millett
Personal na detalye
Isinilang
John Glover Roberts Jr.

(1955-01-27) 27 Enero 1955 (edad 69)
Buffalo, New York, U.S.
Partidong pampolitikaRepublican[1]
AsawaJane Sullivan (1996–kasalukuyan)
Anak2
EdukasyonHarvard University (BA, JD)
Pirma

Si John Glover Roberts Jr. (ipinanganak Enero 27, 1955) ay ang ika-17 at kasalukuyang Punong Mahistrado ng Estados Unidos. Nanumpa siya sa katungkulan noong Setyembre 29, 2005, nang siya'y hirangin ni Pangulong George W. Bush nang pumanaw si Punong Mahistradong William Rehnquist. Inilarawan siyang may konserbatibong pilosopiya sa kaniyang mga hurisprudensiya.

Lumaki si Roberts sa hilagang-kanlurang Indiana at nag-aral sa isang pribadong paaralan. Pumasok siya sa Harvard College at Harvard Law School kung saan siya naging tagapamahalang patnugot ng Harvard Law Review. Makaraang pumasá sa bar, nagtrabaho siya sa tanggapan ni Hukom Henry Friendly at kalaunan kay Mahistrado William Rehnquist, bago mamasukan sa tanggapan ng Pangkalahatang Abogado noong administrasyon ni Ronald Reagan. Nagpatuloy siyang maglingkod sa Administrasyon ni Reagen at ni George H. W. Bush sa Kagawaran ng Katarungan at ng Tanggapan ng White House Counsel, bago magtrabaho bilang pribadong abogado sa loob ng 14 na taon. Noong panahong iyon, humarap siya sa Kataas-taasang Hukuman upang mag-argumento ng 39 na kaso.[2] Kumatawan din siya sa 19 na estado sa United States v. Microsoft.[3] Noong Enero 20, 2009 Nanumpa niya si Barack Obama bilang ika-44 Pangulo ng Estados Unidos. Enero 21, 2013 na Linggo Ikalawang Nanumpa niya si Obama bilang Pangulo ng Estados Unidos na ikawalang termino At Enero 20, 2017 Nanumpa niya si Donald Trump bilang ika-45 Pangulo ng Estados Unidos

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "The Echo Chamber". Reuters.
  2. "Biographies of Current Justices of the Supreme Court". supremecourt.gov.
  3. Kathy Gill. "John G. Roberts, Jr - Supreme Court Chief Justice - Biography". About.com News & Issues. Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-05-02. Nakuha noong 2017-04-17.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)