Pumunta sa nilalaman

Joram ng Juda

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Jehoram ng Juda
Jehoram ng Juda guhit ni Guillaume Rouillé na Promptuarii Iconum Insigniorum, 1553
Kaharian ng Juda
c. 849 – 842 BCE (sole reign)
Predecessor Jehoshaphat
Successor Ahaziah
Konsorte Athaliah
Anak Ahazias ng Judah
Jehosheba
Dinastiya Sambahayan ni David
Ama Jehoshaphat
Kapanganakan c. 882 BCE
Kamatayan c. 842 BCE (edad 39 o 40)
Libingan Sambahayan ni David

Si Jehoram ng Juda (Hebrew: יְהֹורָם, Modern: Yəhōrām, Tiberian: {{{3}}}) o Joram (Hebrew: יוֹרָם, Modern: Yōrām, Tiberian: {{{3}}}; Griyego: Ἰωράμ, romanisado: Ioram; Latin: Joram o Ioram) ay isang hari ng Kaharian ng Juda. Siya ay naging hari sa edad na 32 at naghari ng 8 taon(2 Hari 8:17). Ayon sa 2 Kronika 21:2-7,"At siya'y nagkaroon ng mga kapatid, na mga anak ni Jehoshaphat, na si Azarias, at si Jehiel, at si Zacharias, at si Azarias, at si Miguel, at si Sephatias: lahat ng ito ay mga anak ni Jehoshaphat.At binigyan sila ng kanilang ama ng mga dakilang kaloob, na pilak, at ginto, at mga mahalagang bagay, pati ng mga bayang nakukutaan ng Juda: nguni't ang kaharian ay ibinigay niya kay Jehoram, sapagka't siya ang panganay.Nang si Jehoram nga ay bumangon sa kaharian ng kaniyang ama, at lumakas, ay kaniyang pinatay ng espada ang lahat niyang mga kapatid, at gayon din ang iba sa mga prinsipe ng Israel.Si Jehoram ay tatlongpu't dalawang taon nang siya'y magpasimulang maghari; at siya'y nagharing walong taon sa Herusalem. At siya'y lumakad ng lakad ng mga hari sa Kaharian ng Israel (Samaria) gaya ng ginawa ng sangbahayan ni Ahab; sapagka't siya'y nag-asawa sa anak ni Ahab: at siya'y gumawa ng kasamaan sa paningin ng Panginoon.Gayon ma'y hindi nilipol ng Panginoon ang sangbahayan ni David, dahil sa tipan na kaniyang ginawa kay David, at yamang siya'y nangako na bibigyan siya ng ilawan at ang kaniyang mga anak magpakailan man." Si Jehoram ng Israel ay naghari sa Kaharian ng Israel (Samaria) noong ika-18 taon ni Jehoshaphat ng Juda ayon sa 2 Hari 3:1 o sa ika-2 ng paghahari ni Jehoram ng Juda na anak ni Jehoshaphat. Si Jehoshaphat ay naghari ng 25 taon na nangangahulugang ang kanyang ama nitong si Ahab ay namatay pagkatapos ng 9 na taon. Ayon sa 2 Hari 8:16, si Jehoram ng Juda na anak ni Jehoshaphat ay naghari sa ika-4 taon ng paghahari ni Jehoram ng Israel na anak ni Ahab. Iminungkahi nina Hayes at Miller na ang dalawang Jehoram ay iisa lamang tao. Ang ilan ay nagmungkahing si Jehoram ng Juda ay naging hari ng Kaharian ng Juda nang si Jehoshaphat ay hari pa rin ng Juda ngunit nagpapalagay na si Jehoram ng Israel ay naghari ng 9 na taon lamang na salungat sa 2 Hari 3:1 na si Jehoram ng Israel ay naghari ng 12 taon.