José Honorato Lozano
José Honorato Lozano | |
---|---|
Kapanganakan | 1815[1] or 1821[2] |
Kamatayan | 1885[1] |
Nasyonalidad | Pilipino[3] |
Kilala sa | Pagpipinta |
Kilusan | Letras y figuras |
Si José Honorato Lozano (1815 o 1821-1885) ay isang Pilipino pintor na ipinanganak sa Maynila. Kilala siya bilang nagpasimulang nagsasanay ng anyo ng sining na kilalang bilang Letras y figuras, kung saan ang mga titik ng pangalan ng isang patron ay pangunahing binubuo ng mga tinabas na kaayusan ng mga pigurang tao na pinalibutan ng mga binyeta ng mga tanawin sa Maynila - isang anyo ng sining na maaaring maluwag na nagmula sa mga iluminadong manuskrito.[4] Inilarawan ni Santiago Pilar, isang awtoridad sa mga ika-19 na dantaong pagpipinta, ang likha ni Lozano bilang "ilan sa mga pinakakakaiba at walang katapusang kamangha-manghang mga reliko ng kulturang Pilipino sa kapanahunang Kastila".[2]
Si Lozano ay anak ng tagabantay ng parola sa Look ng Maynila. Lumaki siya sa Sampaloc, Maynila sa labas ng lungsod na pinapalibutan ng dingding ng Intramuros. Binanggit ni Rafael Diaz Arenas, isang lokal na komentarista, noong mga 1850 na si Lozano ay "nangungulay na tinutubigan na walang katunggali". Nagpinta rin si Lozano sa maginoong tradisyong costumbrista bilang isang paraan ng pagbibigay ng hiling ng mga paalaala ng Maynila sa mga panauhing dayuhan. Siya ay nagpipinta rin sa oleo at inatasan siya ng pamahalaang Kastila upang ilarawan ang mga yugto ng kasaysayan ng kolonya na ipapakita sa pista sa distrito ng Santa Cruz, Maynila noong 1848.
Si Jose Maria A. Cariño, ang may-akda ng José Honorato Lozano: Filipinas 1847, ay ipinalagay na sinanay si Lozano ng mga Tsinong pintor o mga Pilipinong pintor na may kasanayan sa pamamaraan ng pagpipintang Tsino.
Ang isang aklat ng mga likha ni Lozano ay lumitaw sa isang bahagi ng Antiques Roadshow (edisyong UK) noong 1995 na nariyan ang mananasa Peter Nahum. Ang album ay inatasan kay Emile Nyssens, at ibinenta sa Christie's noong 1995 sa halagang 265,000 librang Briton[5]; at ang isang markesang Kastila ng isa pa—hindi maliban kung mayroong dalawa o tatlong magkakahiwalay na album na lumalaganap sa Europa. Subali't ang aklat na iyon na tinasahan ni Nahum ay napunta sa pagbebenta sa halagang GBP240,000 sa sumunod na subasta.
Noong Setyembre 2016, isang napakabihirang magkakasamang labindalawang likha ni Lozano, likas na pag-aari ng isang markesang Kastila, ay inalok sa subasta sa Maynila na may pasimulang tawad ng ₱5 angaw.[6]
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Justiniano Asuncion
- Fabián de la Rosa
- Damian Domingo
- Juan Luna
- Fernando Amorsolo
- Boxer Codex
- Letras y figuras
- Tipos del Pais
- Felix Resurreccion Hidalgo
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 "José Honorato Lozano". Nakuha noong 21 Hulyo 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2.0 2.1 Doronila, Amando (4 Oktubre 2001). "Mga Larawang-pinta ni Jose Honorato Lozano gamit ang pangulay na tinutubigan". Philippine Daily Inquirer. pp. A7. Nakuha noong 21 Hulyo 2015.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Blanco, John D. (2009). Mga Duluhang Konstitusyon: Kristiyanismo at Imperyong Kolonyal sa Pilipinas Noong Ikalabinsiyam na Dantaon. University of California Press. pp. I. ISBN 978-0520943698.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Christie's. "Jose Honorato Lozano (c.1815-c.1885)". Nakuha noong 21 Hulyo 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Album de ML ni Jose Honorato Lozano
- ↑ "Ang bihirang album na 'letras y figuras' ni Lozano pinanhik para sa subasta". Philippine Daily Inquirer. 13 Setyembre 2016. Nakuha noong 27 Disyembre 2017.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)