Pumunta sa nilalaman

Justiniano Asuncion

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Si Justiniano Asuncion (26 Setyembre 1816 – 1901), o kilala bilang Kapitang Ting, ay isang Pilipinong pintor.[1] Nagsilbi din siya bilang kapitan ng barangay o mas kilala noong panahon niya bilang cabeza de barangay ng Sta. Cruz, Maynila kaya binansagan siyang Kapitang Ting.[2]

Si Asuncion ay isa sa mga nangungunang Pilipinong pintor noong ika-19 na dantaon. Noong 1834, siya ay nag-aral sa Escuela de Dibujo, kung saan nagsanay siya sa pagpipinta. Noong mga 1855, siya ay naging kapitang-bayan ng Santa Cruz, Maynila. Siya ay yumao noong 1901 sa edad na 85. Mayroon siyang dalawang kapatid na sina Mariano at Leoncio na pintor din.[2]

Ang mga likha niya

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Si Asuncion ay pintor ng mga tanyag na Koronasyon ng Birhen, ang Birhen ng Antipolo, Filomena Asuncion, at Romana A. Carillo.

Siya ay nakapaglikha ng mga larawang-pinta ng San Agustin, San Geronimo, San Antonio, at San Gregorio Magno na itinago sa Simbahan ng Santa Cruz bago ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ang mga mahahalagang kambas na ito ay nawasak nang binomba ng mga Hapones ang simbahan noong Pebrero 1945.

Ang kanyang mga likha ay naaaninag ng kagawian ng panahong yaon – ang unang 75 taon ng -19 na dantaon. Ang mga potograpista ng panahong iyon ay maingat na ginuguhit ang mga tampok ng ulo; ang mga kamay at iba pang mga maliliit na detalye na may taluhabang kawastuhan; karaniwang hindi pinapansin ang mga tunal na halaga at binibigyang diin ang tigas ng epekto.

Ang Museo ng Pamantasan ng Santo Tomas ay may inaaring pinintang larawan ni Asuncion, may petsang Pebrero 1862. Ang kuwadrong walang lagda ni Pd. Melchor Garcia de Sampedro sa Museo de UST ay nasabing likha ni Asuncion. Karamihan sa kanyang ibang mga likha ay nakatago bilang mga pambansang kayamanan sa Bangko Sentral ng Pilipinas at Museo sa Pilipinas.

Noong 12 Setyembre 1983, sa dayag ng Simbahan ng Santa Cruz sa Maynila, isang pananda na iniluklok sa kanyang karangalan.[3]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Besa, Emmanuel (2017-09-22). Mga Salaysay ng Intramuros (sa wikang Ingles). Lulu.com. ISBN 9781365753626.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 https://www.spot.ph/arts-culture/art-exhibits/71120/exhibit-art-family-asuncion-legacy-a1818-20170817-lfrm
  3. https://www.geni.com/people/Justiniano-M-Asuncion/6000000010859767334 Justiniano M. Asuncion