Jose Bragado
Walang sangguniang binanggit o isinaad ang talambuhay na ito patungkol sa isang buhay na tao. (walang petsa)
Makakatulong po kayo sa pagpapabuti nito sa pamamagitan ng pagdagdag ng mga maaasahan at mapagkakatiwalaang sanggunian. Tandaan lamang po na agad na tatanggalin ang mga kaduda-dudang materyales nang walang sanggunian o di kaya'y mahina ang pagkakasangguni. |
Jose Bragado | |
---|---|
Trabaho | manunulat |
Si Jose Bragado ay ipinanganak sa Ilocos Sur noong 25 Agosto 1936. Ang kanyang mga magulang ay sina Emilio Bragado at Timotea Asia.
Kasal siya kay Crispina Balderas. Tinapos niya ang mga kursong AB Journalism sa Manuel Luis Quezon University, Textile Engineering sa Feati University, at AB English sa Far Eastern University.
Isa siyang nobelista, kwentista at makata. Tumanggap siya ng maraming gantimpala sa pagsusulat at kabilang dito ang Pedro Bukaneg Award na ipinagkaloob sa kanya ng Gumil Filipinas noong 1993. Naging pangulo siya ng Gumil Filipinas at Direktor ng Umpil.
Sa kanyang mga nasulat ay mababanggit ang Pamulinawen, isang tulang pasalaysay, Buneng (Itak), Kaarigi ti Nasipnget a Rabii (like the Dark Night), at Ti Pasala Bantay Ken Ti Ugsal (The Dance, The Mountain and the Deer).
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.