Pumunta sa nilalaman

Josefa Llanes Escoda

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Josefa Llanes Escoda
Kapanganakan
Josefa Llanes Madamba

20 Setyembre 1898(1898-09-20)
Dingras, Ilocos Norte, Pilipinas
Kamatayan6 Enero 1945(1945-01-06) (edad 46)
Maynila, Pilipinas
Kilala saFounder of GSP (Girl Scouts of the Philippines
AsawaAntonio Escoda
MagulangMercedes Madamba at Gabriel Llanes

Si Josefa Llanes Escoda (Setyembre 20, 1898Enero 6, 1945) ay isang kilalang Pilipinang tagapagtaguyod ng mga karapatang pangkababaihan sa Pilipinas (kabilang ang panghalalan) at tagapagtatag ng Mga Batang Babaeng Tagapagmanman ng Pilipinas (Girl Scouts of the Philippines).

Maagang bahagi ng buhay

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ipinanganak si Josefa Llanes Escoda noong Setyembre 20, 1898 sa Dingras, Ilocos Norte. Siya ang pinakamatanda sa pitong mga anak nila Mercedes Madamba at Gabriel Llanes. Isa siyang balediktoryana sa mababang paaralan at salutatoryana sa Mataas na Paaralan ng Ilocos Norte. Nag-aral siya sa Philippine Normal University sa Maynila upang makamtan ang kanyang degri sa pagtuturo, at nagtapos ng may mga parangal noong 1919. Habang naghahanapbuhay bilang isang guro, nagkamit siya ng katibayan sa pagkaguro sa mataas na paaralan mula sa Pamantasan ng Pilipinas noong 1922.

Pagkaraan makatanggap ng katibayan sa pagkaguro, naging isa siyang manggagawang panlipunan para sa Kabanatang Pampilipinas ng Amerikanong Pulang Krus (isang kolonya ng Estados Unidos ang Pilipinas noong panahong iyon). Binigyan siya ng Pulang Krus ng isang iskolarsip sa Estados Unidos, kung saan nakapagkamit siya ng degring masteral sa Sosyolohiya.

Sa unang paglalakbay niya sa Estados Unidos, habang nasa Pandaigdigang Liga para sa Kapayapaan ng mga Kababaihan (Women's International League for Peace) noong 1925, nakatagpo niya si Antonio Escoda, isang reportero mula sa Tanggapan ng Pagpapahayag ng Pilipinas (Philippine Press Bureau) na pinakasalan niya sa paglaon. Nagkaroon sila ng dalawang mga anak, sina Maria Theresa at Antonio. Noong 1925 din, nakatanggap siya ng Degring Pang-master sa Gawaing Panlipunan mula sa Pamantasan ng Columbia.

Simulain ng Batang Babaeng Tagapagmanman ng Pilipinas

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nagbalik siya sa Estados Unidos noong 1933 upang sumailalim sa pagsasanay kaugnay ng Mga Batang Babaeng Tagapagmanman ng Estados Unidos na may pagtangkilik ng Mga Lalaking Tagapagmanman ng Pilipinas. Pagkaraan nito, bumalik siya sa Pilipinas upang sanayin ang mga kabataang babae upang maging mga pinunong Tagapagmanmang mga Batang Babae, at pagdakang nagpatuloy sa pagtatatag ng Mga Batang Babaeng Tagapagmanman ng Pilipinas. Noong Mayo 26, 1940, nilagdaan ni Pangulong Manuel L. Quezon ang karta o tsarter ng Mga Batang Babaeng Tagapagmanman ng Pilipinas. Si Escoda ang naging unang Pambansang Tagapagpatupad ng pangkat na ito.

Ikalawang Digmaang Pandaigdig

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nilusob ng mga puwersang Hapones ang Pilipinas. Hinuli ang asawa ni Escoda noong Hunyo 1944, at inaresto rin siya pagkaraan ng dalawang buwan, noong Agosto 27. Ibinilanggo siya sa Kutang Santiago, sa kulungang pinagkabilangguan din ng kanyang esposong si Koronel Antonio Escoda, na sumailalim sa parusang kamatayan noong 1944, kasama ni Heneral Vicente Lim, na nakulong din sa piling ng koronel. Huling nakita si Josefa Escoda noong Enero 6, 1945. Pagdaka, kinuha siya at ikinulong sa isa sa mga gusali ng Pamantasan ng Dulong Silangan (Far Eastern University'' na ginagamit ng mga Hapones. Pinaniniwalaang pinarusahan siya ng kamatayan[1] ng mga Hapones at inilibing sa isang walang tandang libingan sa loob ng Libingan ng La Loma, na ginamit ng mga puwersang Hapones bilang isang paslangan at libingan para sa libu-libong mga Pilipinong lumalaban sa pananatili ng mga Hapones sa Pilipinas.

Isang lansangan at isang gusali ang pinangalanan para sa kanya, at isang bantayog ang inilaan para sa kanyang alaala. Inilagay din ang kanyang wangis sa pangkasalukuyang P1,000 salaping papel ng Pilipinas, bilang isa sa tatlong mga Pilipino naging martir sa ilalim ng mga kamay ng mga Sandatahang Lakas ng Hapon.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Josefa Llanes Escoda Naka-arkibo 2019-03-26 sa Wayback Machine., ExecutedToday.com

Mga kawing na panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]