Josefino Cenizal
Tulungang mapabuti po ito sa pamamagitan ng pagdagdag ng mga pagsipi sa mga sangguniang mapagkakatiwalaan. Tandaan lamang po na maaari pong mapagdudahan at matanggal ang mga hindi beripikadong nilalaman. |
Josefino Cenizal | |
---|---|
Kapanganakan | 14 Setyembre 1919
|
Kamatayan | 27 Marso 2015 |
Mamamayan | Pilipinas |
Trabaho | artista, kompositor |
Si Josefino (14 Setyembre 1919 – 27 Marso 2015) ay isang aktor, musikero, kompositor at isang magaling na direktor. Ang kanyang maybahay ay si Olivia Cenizal na primerang artista ng Premiere Production.
Gumanap na siya sa mga pelikula noong bago pa magkadigma. Lumabas siya sa isang mahalagang papel sa Manyikang Putik ng Parlatone Hispano-Filipino at ang Musikal na Bahay-Kubo na parehong taong 1938.
Noong 1940 nakagawa siya sa ilalim ng Del Monte Pictures
Ang pelikulang Rosa Birhen ang kanyang unang pelikula na idinirihe at huling pelikula bago magkadigma.
Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig nagbalik siya sa isang Komedyang pelikula ng Luis Nolasco Production ang Amoritis na pinangunahan ni Billy Vizcarra.
Isa siya sa nagdirek ng pinakamalaking pelikula ng Premiere Production ang Bicol Express.
Pelikula
[baguhin | baguhin ang wikitext]- 1938 - Manyikang Putik
- 1938 - Bahay-Kubo
- 1940 - Rosa Birhen
- 1947 - Amoritis
- 1955 - Pandanggo ni Neneng
- 1956 - Lalo Kitang Mahal
- 1957 - Bicol Express
- 1958 - You're My Everything
Trivia
- Kabiyak ni Olivia Cenizal
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.