Juan Bosco

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
San Juan Bosco
Kumpesor, Tagapagtaguyod,
"Ama at Guro ng Kabataan"
Kapanganakan 16 Agosto 1815(1815-08-16)
Castelnuovo d'Asti, Piedmont, Kaharian ng Sardinia
Kamatayan 31 Enero 1888 (edad 72)
Turin, Kaharian ng Italya
Pinipintuho sa Simbahang Katolika Romana
Komunyong Anglicano
Beatipikasyon Hunyo 2, 1929[1], Roma ni Pio XI
Kanonisasyon Abril 1, 1934, Roma ni Pio XI
Pangunahing dambana Basilica of Our Lady Help of Christians, Turin, Italya
Kapistahan Enero 31
Patronato baguhang Kristiyano, patnugot, tagapaglathala, batang mag-aarál, kabataan, salamangkero, kabataang naliligaw ng landas

Si San Juan Bosco (Italyano: Giovanni Melchiorre Bosco; Agosto 16, 1815[2] – Enero 31, 1888[3][4]), tanyag sa pangalang Don Bosco, ay isang Italyanong paring Katoliko, edukador at manunulat noong ika-19 na dantaon. Habang nagtatrabaho sa Turin, kung saan marami ang nagdurusa sa epekto ng industriyalisasyon at urbanisasyon, pinag-ukulan niya ng pansin ang pagbibigay ng edukasyon at mapabuti ang kalagayan ng mga batang kalye, kabataang naliligaw ng landas at iba pang kabataang nasasadlak sa kahirapan. Nagtaguyod siya ng ibat ibang pamamaraan ng pagtuturo na batay sa pagmamahal sa halip na pagpaparusa, isang pamamaraang nakilala bilang Salesian Preventive System.[5] Bilang tagasunod ng espirituwalidad at pilosopiya ni San Francisco de Sales, inilaan ni Bosco sa kaniya ang kaniyang mga gawain nang itatag niya ang Salesians of Don Bosco na nakabase sa Turin.[6] Kasama ni Maria Domenica Mazzarello, itinatag niya ang Institute of the Daughters of Mary Help of Christians, isang relihiyosong kongregasyon ng mga madreng may dedikasyon sa pagkalinga at pagtuturo ng mahihirap na kabataang babae.

Noong 1876, itinatag ni Bosco ang isang kilusan ng mga laiko, ang Association of Salesian Cooperators, na may katulad na misyong pang-edukasyon para sa mahirap.[7] Noong 1875, nagsimula siyang maglathala ng Salesian Bulletin.[8][9] Nagpapatuloy ang paglathala ng Bulletin hanggang sa ngayon, at inilalathala sa 50 iba't ibang edisyon sa 30 wika.[8]

Nagtatag din si Bosco ng ugnayan ng mga organisasyon at mga sentrong magpapatuloy ng kaniyang mga gawain. Kasunod ng kaniyang beatipikasyon noong 1929, kinanonisa siyang santo sa Simbahang Katolika Romana ni Papa Pio XI noong 1934.

Buhay[baguhin | baguhin ang batayan]

Ipinanganak si Juan Bosco sa gabí ng Agosto 16, 1815 sa mga kabahayan sa gilid ng burol ng Becchi, Italya.[10] Siya ang pinakabatang anak ni Francesco Bosco (1784–1817) at Margherita Occhiena. May dalawa siyang nakatatandang kapatid sina, Antonio at Giuseppe (1813–1862).[10] Ang mga Bosco ng Becchi ay mga katiwala sa bukid ng pamilyang Moglian. Ipinanganak si Juan Bosco noong panahon ng matinding kakulangan at taggutom sa kanayunan ng Piedmonteses, kasunod ng pagkawasak na dulot ng mga digmaang ni Napoleon at tagtuyot noong 1817.[11]

Namatay ang kaniyang amang si Francesco noong siya'y dalawang taong gulang pa lamang, at naiwan sa kanilang inang si Margherita ang pangangalaga ng tatlong magkakapatid.[1] Malaki ang ginampanang papel ng kaniyang ina sa paghubog at katauhan ni Bosco,[12] at maaga niyang tinaguyod ang mga mithiin ng kaniyang anak.[13][14]

Talasanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. 1.0 1.1 Saxton, Eugene. "St. Giovanni Melchior Bosco." The Catholic Encyclopedia. Vol. 2. New York: Robert Appleton Company, 1907. 9 Feb. 2014 Maling banggit (Invalid <ref> tag; name "saxton" defined multiple times with different content); $2
  2. Lemoyne, Amadei & Ceria 1965–1988, Volume I, 1815 – 1840, p. 26
  3. Coulter, Myers & Varacalli 2012
  4. Saint of the Day, 31 January: John Bosco SaintPatrickDC.org. Hinango noong 2012-03-09.
  5. Morrison 1999, p. 51
  6. Farmer 2004, p. 121
  7. "Salesian Cooperators". Salesians of Don Bosco, Province of Mary Help of Christians, Melbourne. http://www.salesians.org.au/index.php?option=com_content&view=article&id=72&Itemid=95. Hinango noong 9 Marso 2012. 
  8. 8.0 8.1 "The Salesian Bulletin in the World". Eircom.net, Dublin. http://homepage.eircom.net/~sdbmedia/bulletin/sdb_bull_world.htm. Hinango noong 2 May 2010. 
  9. Lemoyne, Amadei & Ceria 1965–1988, Volume XIII (1877–1878), p. 191
  10. 10.0 10.1 Lemoyne, Amadei & Ceria 1965–1988, Tomo I, Kabanata 3, pp. 20–28
  11. Ang Tagtuyot ng Piedmont ay nagtagal mula 1817 hanggang 1819. Tingnan ang The Majesty of Charleston ni Peter Beney, p.64, 2005 edisyon.
  12. Lemoyne, Amadei & Ceria 1965–1988, Tomo I, Kabanata 7, pp. 44–49
  13. "Venerable Margaret Occhiena". Salesian Society of Don Bosco. Pebrero 8, 1995. http://www.sdb.org/ENG/Pagine/_2_12_19_25_.htm. Hinango noong Mayo 17, 2010. 
  14. Steve Whelan. "Mamma Margaret". Salesian Bulletin, Don Bosco West. http://www.donboscowest.org/salesian_family/salesian_bulletin/199801/mamma_marg.htm. Hinango noong Mayo 17, 2010.