Pumunta sa nilalaman

Juan Perón

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Juan Domingo Perón)
Juan Perón
Kapanganakan8 Oktubre 1895[1]
  • (Lobos Partido, Lalawigan ng Buenos Aires, Arhentina)
Kamatayan1 Hulyo 1974[1]
MamamayanArhentina
Trabahoopisyal, politiko[2]
OpisinaPangalawang Pangulo ng Arhentina (8 Hulyo 1944–10 Oktubre 1945)
Pangulo ng Argentina (4 Hunyo 1946–21 Setyembre 1955)
Pangulo ng Argentina (12 Oktubre 1973–1 Hulyo 1974)
AsawaEva Perón (1945–1952)
Pirma

Si Juan Domingo Perón (pagbigkas sa wikang Kastila: [ˈxwan doˈmiŋɡo peˈɾon]; 8 Oktubre 1895 – 1 Hulyo 1974) ay isang Arhentinong opisyal ng militar at politiko. Pagkaraang maglingkod sa ilang mga tungkuling pampamahalaan, kabilang na ang pagiging Ministro ng Paggawa at Pangalawang Pangulo ng Republika, tatlong ulit siyang nahalal bilang Pangulo ng Arhentina na naglingkuod mula Hunyo 1946 hanggang Setyembre 1955 at mula Oktubre 1973 hanggang Hulyo 1974.

Sa panahon ng kaniyang unang panahon ng panunungkulan bilang pangulo (1946–1952), sinuportahan si Perón ng pangalawa niyang asawang si Eva Duarte ("Evita"), at ang dalawa ay naging talagang tanyag sa maraming mga Arhentino. Namatay si Eva noong 1952 at nahalal si Perón ay nahalal para sa ikalawang termino, na naglingkod mula 1952 hanggang 1955. Noong sumunod na panahon ng dalawang diktadurang militar, na naantala ng isang pamahalang sibilyano, ang partidong Peronista ay napagbawalan ng batas at si Perón ay napalayas mula sa bansa. Nang mahalal ang Peronistang makakaliwa na si Hector Cámpora noong 1973, nagbalik si Perón sa Arhentina at sa hindi katagalan ay nahalal bilang Pangulo sa ikatlong pagkakataon. Ang kaniyang pangatlong asawa na si María Estela Martínez ay nagsilbi bilang Pangalawang Pangulo at humalili sa kaniya bilang Pangulo nang mamatay siya noong 1974.

Sina Juan at Evita Perón ay itinuturing pa rin bilang mga larawang huwaran o ikono ng mga Peronista. Pinuri ng mga tagasunod ng mga Perón ang kanilang mga pagpupunyagi na tanggalin ang kahirapan at upang bigyan ng dangal ang trabaho, habang ang mga naninira ng kanilang puri ay itinuturing sila bilang mga demagoga at mga diktador. Ibinigay ng mga Perón ang kanilang pangalan sa kilusang pampolitika na nakikilala bilang Peronismo, na sa pangkasalukuyang Arhentina ay pangunahing kinakatawan ng Partidong Hustisyalista.


TalambuhayPolitikaArhentina Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay, Politika at Arhentina ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

  1. 1.0 1.1 https://brockhaus.de/ecs/julex/article/peron-juan-domingo; hinango: 9 Oktubre 2017.
  2. http://www.worldatlas.com/webimage/countrys/samerica/argentina/arfamous.htm.