Pumunta sa nilalaman

Juliette Gordon Low

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Si Juliette Gordon Low (nasa gitna) habang nakatayong katabi ang dalawang mga Girl Scout.

Si Juliette Gordon Low (Oktubre 31, 1860Enero 17, 1927) ay isang pinunong Amerikano ng mga kabataan at tagapagtatag ng mga Girl Scout (Batang Babaeng Bantay) sa Estados Unidos noong 1912.[1]

Isinilang siya sa Savannah, Georgia. Lumipat siya sa Inglatera noong 1886 at pinamunuan ang mga tropa ng mga Girl Guide (Batang Babaeng Gabay) sa Scotland at Inglatera. Sa panunumbalik sa Estados Unidos, tinipon niya ang unang kompanya ng mga Batang Babaeng Gabay noong 1912, na naging Girl Scouts noong 1913. Siya ang pinakaunang pangulo ng pambansang organisasyon ng mga Batang Babaeng Bantay sa Amerika noong 1915.[2]

  1. "Juliette Gordon Low, Extramile.us". Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-09-20. Nakuha noong 2008-07-13.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Juliette Gordon Low". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.