Pumunta sa nilalaman

K–12

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang K–12 (binibigkas bilang "k twelve", "k through twelve", o "k to twelve") ay isang katawagan para sa kabuuang edukasyong elementarya at mataas na paaralan. Ginagamit ito sa Estados Unidos, Kanada, Timog Korea, Turkey, Pilipinas, Ehipto, Australia, Iran at Ekwador. Ginagamit din ang katawagang P–12 paminsan-minsan sa Australia.[1] Ang katawagan ay pagpapaikli ng kindergarten (K) hanggang ikalabindalawang baiting (Ika-12 Baitang), ang una at huling mga antas ng libreng edukasyon sa mga bansang nabanggit. Tinatawag din ito ELHI, pinaikling elementary to high school.

Ang terminong "K–12" ay ang pagpapaikli ng kindergarten (K) para sa mga batang edad 5–6 hanggang sa ika-12 na baitang para sa mga edad 17–18, bilang ang pinakauna at pinakahuling mga antas ng baitang sa libreng edukasyon sa mga iba't ibang bansa. Ang kaugnay na terminong "P–12" ay ginagamit din paminsan-minsan sa Australia at Estados Unidos upang tukuyin ang kabuuan ng K–12 kasama ang preschool na edukasyon.

Sa Pilipinas, ipinatupad ni dating pangulong Benigno Aquino III ang K-12 Education Program. Ayon sa mga opisyal at mga tao na pabor dito ay makakatulong daw upang malinang ang kakayahan ng mga mag-aaral sa ating bansa. Isa rin sa dahilan nito ay ang pag-unlad ng ating bansa at makasabay sa estado ng ibang bansa ayon sa opinyon ng iba.

Sa pag papatupad nitong K-12, magkakaroon pa nang karagdagang kaalaman ang mga batang nag-aaral. Ngunit may iba ring Hindi sang-ayon dito dahil madadagdagan lamang ang kanilang babayaran sa matrikula.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]