Pumunta sa nilalaman

Emirado

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Kaemiran)

Ang emirado o kaemiran (Kastila: emirato, Ingles: emirate, amirate) ay isang teritoryong pampolitika na pinamunuan ng isang emir, isang dinastikong monarkang Arabo. Nagmula ang emirado sa Arabe: إمارة‎, Imaarah ; pangmaramihang anyo: إمارات, Imaraat.

Isang estadong pederal ng pitong emiradong pederal ang Nagkakaisang Arabong Emirado, na bawat isa ay pinangangasiwaan ng isang hereditaryo o namamanang pagka-emir. Inihahalal ng pitong pederal na emiradong ito ang Pangulo at Punong Ministro. Karamihan sa mga emirado ang naglaho na o naging bahagi ng isang mas malaking modernong estado, may ilang nagbago ng pamagat o katawagan para sa kanilang mga pinuno, katulang ng pagiging Malik (Arabe para sa hari) o Sultan. Kung kaya naging madalang na ang tunay na mga estadong emirado.

Sa Arabo, mapangkalahatang manguhulugan ang salita bilang anumang lalawigan ng isang bansang pinangangasiwaan ng isang kasapi ng klaseng namumuno, natatangi ng ang isang kasapi ng mag-anak na royal, katulad ng sa gobernatura ng Arabyanong Saudi.

Talaan ng nagsasariling mga emirado

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Talaan ng dati at integradong mga emirado

[baguhin | baguhin ang wikitext]


Pamahalaan Ang lathalaing ito na tungkol sa Pamahalaan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.