Kagawaran ng Kagalingan at Pagpapaunlad Panlipunan
Kagawaran ng Kagalingan at Pagpapaunlad Panlipunan Department of Social Welfare and Development | |
---|---|
Pagkakatatag | Nobyembre 1, 1939 |
Kalihim | Rolando Joselito D. Bautista |
Salaping Gugulin | P3.557 bilyon (2007) |
Websayt | www.dswd.gov.ph |
Ang Kagawaran ng Kagalingan at Pagpapaunlad Panlipunan[1] (Ingles: Department of Social Welfare and Development o DSWD) ay ang kagawarang tagapagpatupad ng Pamahalaan ng Pilipinas na responsable sa pangangalaga ng karapatan ng bawat Pilipino sa kagalingang panlipunan at sa pagpapayabong ng pag-unlad ng lipunan.
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong 1915, ang Tanggapan ng Pampublikong Kapakanan o ang Public Welfare Board(PWB) ay nilikha at inatasan na mag-aral, mag-ugma at magnuntunan sa lahat ng pamahalaan at pribadong mamamayan na nakikibahagi sa mga serbisyong panlipunan.
Noong Nobyembre 1, 1939, ang Batas Komonwelt Blg. 439 ay lumikha ng Kagawaran ng Kalusugan at Pampublikong Kapakanan at noong 1941, opisyal na naging bahagi ng Kawanihan ng Kalusugan Pampublikong Kapakanan ang Tanggapan ng Pampublikong Kapakanan. Bilang karagdagan sa pag-uugnay sa mga serbisyo ng lahat ng pampubliko at pribadong institusyon sa kapakanan ng lipunan, pinamamahalaan din ng Kawanihan ang lahat ng mga pampublikong institusyon na nag-aalaga sa bata at ang pagkakaloob ng mga serbisyo sa kapakanan ng bata.
Noong 1947, ipinawawalang-bisa ni Pangulong Manuel Roxas ang Tanggapan ng Pampublikong Kapakanan at ginawang Social Welfare Commission o Komisyon ng Pagpapaunlad Panlipunan at inilagay sa tanggapan ng Pangulo.
Taong 1968, ipinangalang ang ahensya na Kagawaran ng Pagpapaunlad Panlipunan o Department of Social Welfare. Noong 1976, ipinangalan ni Pangulong Ferdinand Marcos ang ahensya na Kagawaran ng Serbisyong Panlipunan at Kagalingan, na naging ministro noong 1978. Naging DSWD o Kagawaran ng Kagalingan at Pagpapaunlad Panlipunan sa utos ni Pangulong Corazon Aquino noong 1987 mula sa Kautusang Tagapagpaganap bilang 123, at noong 1991, ang mga serbisyo ng DSWD ay binigay responsibilidad sa mga pamahalaang lokal.
Tala ng mga Kalihim/Ministro ng Kagalingan at Pagpapaunlad Panlipunan
[baguhin | baguhin ang wikitext](*) Pansamantalang Tagapamalakad (**) Sabay na ginagampanan bilang Pangulo
Bilang | Pangalan | Buwang Nagsimula | Buwang Nagtapos | Pangulong pinaglingkuran | |
---|---|---|---|---|---|
Ministro ng Kagalingan | |||||
1 | Gracio Gonzaga | Enero 21, 1899 | Mayo 7, 1899 | Emilio Aguinaldo | |
Kalihim ng Panutong Pambayan, Kalusugan, at Kagalingang Pambayan | |||||
2 | Sergio Osmeña | Disyembre 24, 1941 | Agosto 1, 1944 | Manuel Quezon | |
Kalihim ng Katarungan, Paggawa at Kagalingan | |||||
3 | Honorario Poblador, Sr. | Agosto 1, 1944 | Disyembre 25, 1944 | Sergio Osmeña | |
* | Mariano A. Eraña | Disyembre 25, 1944 | Pebrero 17, 1945 | ||
Kalihim ng Kalusugan at Kagalingang Pambayan | |||||
4 | Basilio Valdes | Pebrero 17, 1945 | Nobyembre 10, 1945 | Sergio Osmeña | |
5 | Jose Locsin | Nobyembre 10, 1945 | Mayo 28, 1946 | ||
6 | Antonio Villarama | Mayo 28, 1946 | Disyembre 30, 1953 | Manuel Roxas | |
Elpidio Quirino | |||||
Ministro ng Kagalingang Panlipunan at Pagpapaunlad | |||||
7 | Slyvia Montes | 1978 | 1986 | Ferdinand Marcos | |
Kalihim ng Kagalingang Panlipunan at Pagpapaunlad | |||||
8 | Mita Pardo de Tavera | 1986 | Hunyo 30, 1992 | Corazon C. Aquino | |
9 | Corazon Alma De Leon | Hunyo 30, 1992 | Hunyo 30, 1995 | Fidel V. Ramos | |
10 | Lilian Laigo | Hunyo 30, 1995 | Hunyo 30, 1998 | ||
11 | Gloria Macapagal-Arroyo | Hunyo 30, 1998 | Oktubre 10, 2000 | Joseph Ejercito Estrada | |
12 | Dulce Saguisag | Oktubre 10, 2000 | Enero 20, 2001 | ||
13 | Corazon Soliman | Enero 20, 2001 | Hulyo 8, 2005 | Gloria Macapagal-Arroyo | |
14 | Luwalhati Pablo | Hulyo 8, 2005 | Hulyo 20, 2005 | ||
15 | Esperanza Cabral | Hulyo 21, 2005 | 2009 | ||
16 | Celia Yangco | 2009 | Hunyo 30, 2010 | ||
17 | Corazon Soliman | Hunyo 30, 2010 | Hunyo 30, 2016 | Benigno S. Aquino III | |
18 | Judy Taguiwalo | Hunyo 30, 2016 | Agosto 16, 2017 | Rodrigo Duterte | |
* | Emmanuel Leyco | Agosto 19, 2017 | Mayo 9, 2018 | ||
* | Virginia Orogo | Mayo 10, 2018 | Oktubre 16, 2018 | ||
19 | Rolando Joselito Bautista | Oktubre 17, 2018 | Hunyo 30, 2022 | ||
20 | Erwin Tulfo | Hunyo 30, 2022 | Disyembre 12, 2023 | Bongbong Marcos | |
* | REX Gatchalian | Enero 31, 2023 | Kasalukuyan |
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Mga Pangalan ng Tanggapan ng Pamahalaan sa Filipino" (PDF). Komisyon sa Wikang Filipino (sa wikang Filipino). 2013. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong Septiyembre 23, 2021. Nakuha noong Marso 27, 2018.
{{cite web}}
: Check date values in:|archive-date=
(tulong)