Abot-tanaw
Ang abot-tanaw, abot ng tanaw, guhit-tagpuan, kagiliran, abot-tingin, abot ng tingin o linyang panglangit at lupa (Kastila, Portuges: Horizonte, Aleman: Horizont, Ingles, Pranses: Horizon) ay isang linya na naghihiwalay sa mundo mula sa langit, ang linya na naghahati sa lahat ng nakikitang direksiyon sa dalawang kategorya: iyong mga linyang sumasalubong sa kalupaan ng Mundo at iyong mga hindi. Sa karamihang lugar o lokasyon, nahaharangan ang totoong guhit-tagpuan ng mga puno, gusali, bundok, at iba pa, na nagreresulta sa pagsasalubong ng Mundo at Langit na kadalasang tinatawag na nakikitang guhit-tagpuan. Kapag tumitingin sa dagat mula sa isang pampang, ang bahagi ng dagat na malapit sa abot-tanaw ay tinatawag na offing sa Ingles, na may kahulugang "napipinto", "kalautan", o "namiminto".[1][2]
Nagmula ang salitang horizon ng wikang Ingles at wikang Pranses mula sa Griyego na "ὁρίζων κύκλος" (horizōn kyklos), "napaghihiwalay na bilog",[3] mula sa pandiwang "ὁρίζω" (horizō), "hatiin, paghiwalayin",[4] at mula sa "ὅρος" (oros), "hangganan, punto ng lupa".[5]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "offing", Webster's Third New International Dictionary, Unabridged. (sa Ingles)
- ↑ offing, LingvoSoft Online Dictionaries (sa Ingles)
- ↑ "ὁρίζων", Henry George Liddell at Robert Scott, A Greek-English Lexicon. Sa Perseus Digital Library. Nakuha noong 19 Abril 2011 (sa Ingles).
- ↑ "ὁρίζω", Liddell and Scott, A Greek-English Lexicon. (sa Ingles)
- ↑ "ὅρος", Liddell and Scott, A Greek-English Lexicon. (sa Ingles)
Mga panlabas na link
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Lineas imaginarias de la tierra Naka-arkibo 2016-11-21 sa Wayback Machine.. Néstor René Mayma Quispe.
- Distancia del horizonte. Astronoo.
- Grundlagen der Himmelsmechanik. Mario Lehwald.
- Ligne d'horizon. Gerard Villemin.
- Pinagmulan ng layo mula sa Guhit Panlangit-lupa. Steve Sque.
- Lawak ng Abot-tanaw. Andrew T. Young.