Pumunta sa nilalaman

Monarkiyang konstitusyonal

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Kahariang may Saligang-Batas)

Ang monarkiyang konstitusyonal o monarkiyang pansaligang-batas ay pinamumunuan ng isang monarko (Hari o Reyna) na ang kapangyarihan ay limitado at hindi lubos. Ang kapangyarihan ng monarka ay nakokontrol ng ibang mga pinunong pampamahalaan at ng mga karapatan ng tao. Kadalasan, ang ganitong uri ng monarka ay umiiral sa isang parlamentaryo, na ang monarka ang simbolikong pinuno ng estado. Siya ay naghahari subalit hindi namamahala. Ang tunay na pinuno ng pamahalaan ay ang punong ministro na ang partido ay may pinakamaraming bilang sa parlamentaryo o sa sangay ng gumagawa ng batas.

Ginagamit ng monarko ang kanyang kapangyarihan ayon sa isang konstitusyon at hindi siya nag-iisa sa pagpasya.[1] Naiiba ang mga monarkiyang konstitusyonal sa mga ganap na monarkiya (kung saan ang monarko ang tanging nag-iisang nagpapasya kahit pa limitado ng konstitusyon o hindi) sa kung papaano sila tali na ganapin ang kanilang mga kapangyarihan at awtoridad sa loob ng limitasyon na iniatas ng naitatag na legal na balangkas. Mayroong mga monarkiyang konstitusyonal sa ilang mga bansa tulad ng Liechtenstein, Monaco, Morocco, Jordan, Kuwait, at Bahrain, kung saan ginagawad ng konstitusyon ang makabuluhang mga kapangyarihan sa pagpapasya sa soberano, at iba pang bansa tulad ng Australya, ang Reino Unido, Canada, ang Netherlands, Espanya, Belhika, Suwesya, Malaysia, Thailand, Cambodia, at Hapon, kung saan nanatili ang monarko na may makabuluhang mas mababang antas ng pansariling pagpapasya sa paggamit ng kaniland awtoridad.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Blum, Cameron & Barnes 1970, pp. 2Nnk67–268.