Pumunta sa nilalaman

Kalakihan ng agwat sa edad sa mga relasyong sekswal

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Mayroong mga pagkakaiba-iba ng edad sa mga taong nagkakaroon ng relasyong sekswal. Iba’t iba ang opinion ng iba’t ibang mga kultura ukol sa diperensiya o kalakihan ng agwat sa edad ng mga taong bahagi ng isang sekswal na relasyon. Ang agwat sa edad ng magkapareha ay madalas iniuugnay sa mga panlipunan at pang-ekonomiya o pangkabuhayang kasanayan ng mga lipunan pagdating sa kasal; kahit na ang relasyon ay hindi direktang patungo sa, o kaugnay, ng kasal.

Herontokrasya (Gerontocracy)

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa mga lipunan kung saan lubos na mas napapakinabangan ang pagiging babae o lalaki – karaniwan ay lalaki – ang pagpili ng kapareha ay madalas ibinabase sa parang uri ng ekilibriyong Nash (pagkakapantay-pantay sa lagay na wala nang mananalo sa pamamagitan ng pagpapalit lamang ng sariling estratehiya). Para sa mga mas nakatatandang, matagumpay na mga lalaki, ang pangunahing pinipili ay iyong mga kaakit-akit na kababaihan. Sa mga kultura kung saan tanggap ang pag-aasawang higit sa isa – tulad na ng karamihan sa mga katutubo ng Australia – ang mga mas nakatatandang asawang babae ay iniingatan hanggang sa mamatay ang asawang lalaki. Ang mga biyudang babae ay pangkaraniwang nakapag-aasawa ng mas batang lalaki ngunit hinog at husto na ang pag-iisip.

Kapangyarihang sekswal

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa mas nakararaming kultura ng tao at ibang uri ng unggoy, ang mga babaeng katatapos lamang ng panahon ng pagdadalaga at kakikitaan ng mga sekundaryong katangiang sekswal ng mga nakatatanda (pamamaga ng ari at pagtaglay ng pangmatandang kulay sa karamihan ng mga unggoy, pagporma ng gulugod at pagkabaha-bahagi ng taba sa tao) pati na ang mga nagbibigay ng indikasyon ng mabuting kalusugan.

Sa mga kultura – gaya ng karamihan sa modernong kulturang pang-Kanluran kung saan karaniwan ang paghihiwalay ng mag-asawa, ang mga nakatatandang kababaihan ay maaaring magpahiwatig ng kapangyarihang sekswal bukod pa o dagdag sa kanilang pisikal na kaanyuan, kadalasang sa mga aspektong katulad rin sa kalalakihan (pera, pagiging dominante, atbp.). Kalakip ng lebel ng seguridad panlipunan na pinagbabasehan ng karamihan sa mga kababaihan sa kanilang sitwasyong pang-ekonomiya, karaniwan silang nagpapakita ng kapangyarihang sekswal sa mga paraang katulad ng sa mga mas nakatatandang kalalakihan at naghahanap ng mga mas nakababatang kapareha. Ang mga pag-aaral patungkol sa pagpili ng pangmatagalang kapareha ng mga nakatatandang kababaihan at kumikiling sa mga grupo ng kaibigan at kakilala o kaedad na mga lalaki sa Kanlurang kultura, bagaman ang taliwas dito ay batay na sa indibiduwal na pagkahilig sa kompetisyon.

Mga pag-aaral

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa pag-aaral na inilabas noong 2003 ng United Kingdom's Office for National Statistics ay nagpatunay na ang bahagi ng mga kababaihang nagpapakasal mga mas nakababatang kalalakihan sa England at Wales ay tumaas ng mula 15% hanggang 26% sa pagitan ng 1963 at 1998.

Nang Agosto 2010 nakumpleto at nailabas ni Dr. Michael Dunn ng University of Wales Institute, Cardiff ang pag-aaral tungkol sa di pagkakapareho sa aspekto ng tipanan. Napatunayan ni Dr. Dunn na ni minsan sa kahit anong panahon at kultura ay hindi nagpakita ng pagkatugma-tugma ang pagkiling ng mga kababaihan sa mga kalalakihan higit na mas bata kaysa sa mga kababaihang kinikilingan ng mga kalalakihan at na ang mga babae ay mayroong hindi pabagu-bagong pagkiling na tumatawid sa halos lahat ng kultura para sa mga kaedad o higit na nakatatandang lalaki. Ang resulta ng isang pagaral ng AARP noong 2003 ay nagsasabing 34% ng mga kababaihang nasa edad kwarenta ay namimili ng mas batang mga lalaki.