Kalyeserye

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search

Ang Kalyeserye ay isang maikling soap opera moong 2015 na ipinapalabas ng live bilang isang parte ng segment na "Juan for All, All for Juan" ng isang palabas sa telebisyon, ang Eat Bulaga sa GMA Network.

Si Wally Bayola na gumaganap bilang si Lola Nidora at si Maine Mendoza bilang si Yaya Dub, ang mga pumalit kay Dra. Dora de Explorer (ginampanan din ni Bayola) noong Hulyo 4, 2015. Nagsimula talaga ang Kalyeserye noong Hulyo 16, 2015 noong unang makita ni Yaya Dub si Alden.

Maliban sa pag-ganap ni Bayola bilang si Lola Nidora, ginagampanan din nito sina, Duh-Rizz, Mayordoma Rihanna at Dra. Dora de Explorer. Ang mga kapatid ni Lola Nidora na ginampanan ni Jose Manalo bilang si Lola Tinidora (gumanap ding si Frankie Arinola at Lolo Franing) at si Paolo Ballesteros bilang si Lola Tidora, na ipinalabas ang kanilang pagkakakilanlan sa mga sumunod na araw pagkatapos ang unang episode. Ito ay unang natapos noong Setyembre 3, 2016, natapos ulit noong Disyembre 17, 2016.



telebisyon Ang lathalaing ito na tungkol sa Telebisyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.