Pumunta sa nilalaman

Kapatid sa kasal

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang kapatid sa kasal (Ingles: sibling-in-law, siblings-in-law) ay tumutukoy sa taong naging kapatid ng iba pang tao dahil sa batas ng kasal.[1]

Lalaking kapatid sa kasal

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Kung lalaki ang kapatid sa kasal (brother-in-law sa Ingles, na brothers-in-law kapag maramihan) ito ang lalaking asawa ng isang kapatid na babae, o ang kapatid na lalaki ng asawa ng isang tao. Itinuturing ding kapatid na lalaki sa kasal ang isang asawang lalaki ng isang kapatid ng asawa ng isang tao.[2][3][4] May mga partikular na katawagan din para sa mga lalaking kapatid sa kasal. Bayaw ang tawag sa asawang lalaki ng isang kapatid na babae, o tawag sa kapatid na lalaki ng asawang babae, o asawang lalaking ng kapatid na babae ng isang asawang babae. Siyaho naman ang tawag sa asawang lalaki ng nakatatandang kapatid na babae. Ginagamit din ang salitang bilas o ang pariralang bilas na lalaki,[5] bilang pantawag sa asawang lalaki ng isang babaeng kapatid sa kasal.[1]

Babaeng kapatid sa kasal

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Kapag babae ang kapatid sa kasal (sister-in-law sa Ingles, na sisters-in-law kung maramihan) ay ang asawang babae ng kapatid na lalaki ng isang tao. Maaari ring maging kapatid na babae sa kasal ang isang kapatid na babae ng asawa ng isang tao. Itinuturing ding isang kapatid na babae sa kasal ang isang asawang babae ng kapatid na lalaki ng asawa ng isang tao.[6][7] Ginagamit din pantawag sa babaeng kapatid sa kasal ang hipag na nangangahulugang kapatid na babae ng isang asawang lalaki o ng asawang babae, o ang asawang babae ng isang kapatid na lalaki (sa madaling salita, ang asawa ng kapatid na lalaki).[1][5] Ginagamit din ang bilas o bilas na babae bilang katawagan para sa asawang babae ng isang lalaking kapatid sa kasal.[1] Tinatawag namang inso ang maybahay o asawang babae ng isang nakakatandang kapatid na lalaki.[5]

Kapatid sa ama o ina

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Tinatawag na kapatid sa ina o kapatid sa ama ang mga nagiging kapatid na lalaki o kapatid na babae dahil sa nauna o sumunod na pag-aasawa ng isang ina o ng isang ama.[5]

  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 English, Leo James (1977). "Kapatid sa kasal, mula sa paliwanag na ukol sa salitang kapatid; bilas; hipag". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 299.
  2. Brother-in-law, mula sa Talahuluganan ng Merriam-Webster
  3. Brother-in-law mula sa Dictionary.Reference.com
  4. Brother-in-law, mula sa AllWords.com
  5. 5.0 5.1 5.2 5.3 Gaboy, Luciano L. Brother-in-law, bayaw, siyaho, bilas, bilas na lalake; sister-in-law, hipag; sibling, brother, sister, kapatid, kapatid na lalake, kapatid na babae; hipag, inso; stepbrother, stepsister - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  6. Sister-in-law, mula sa Merriam-Webster]
  7. Sister-in-law, mula sa Dictionary.Reference.com