Kapitan Kidlat
Kapitan Kidlat | |
---|---|
Impormasyon ng paglalathala | |
Unang paglabas | Kapitan Kidlat na palatuntunan sa radyo ng DZRH noong dekada 1950 |
Tagapaglikha | Leonardo P. Abutin Sr. |
Impormasyon sa loob ng kwento | |
Ibang katauhan | Inocencio Santos |
Espesye | Tao |
Lugar ng pinagmulan | Pilipinas |
Kakampi | Ramon |
Kakayahan | Paglipad sa bilis ng kidlat Higit-sa-taong lakas Naglalabas ng mga guhit ng kidlat |
Si Kapitan Kidlat ay isang kathang-isip na karakter na nilikha ni Leonardo P. Abutin Sr., isang abogado, para sa isang palatuntunan sa radyo sa DZRH ng Colgate-Palmolive noong dekada 1950.[1] Si Gustavo "Gus" R. Gonzalez, isang mamahayag at nagboboses na aktor, ang nagbigay boses sa karakter ni Kapitan Kidlat sa radyo.[1] Nang naglaon, naitanghal ang karakter sa ibang midyum kabilang ang komiks, pelikula at telebisyon.
Balangkas ng karakter
[baguhin | baguhin ang wikitext]Si Inocencio Santos ay isang empleyado sa isang himpilan ng pulis.[2] Hanggang isang araw, nagawaran siya ng kapangyarihan ng kidlat ni Zeus, ang diyos ng kalangitan at ng kulog sa mitolohiyang Griyego,[2] upang tulungan ang mga naapi sa mga kriminal.[3] Si Inocencio ay nagiging isang superhero kapag sinasambit niya ang mga katagang "Kapitan Kidlat ngayon."[2] Kasama niya si Ramon, isang sakristan, bilang kasama niya sa kanyang mga pakikipagsapalaran.[2]
Kabilang kanyang mga kalaban sina Kalawit at Taong Bakal.[2]
Sa ibang midya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa komiks, nailathala ang 15 isyu ng mga kuwento ni Kapitan Kidlat sa Kidlat Komiks Magasin ng PSG Publishing House.[2] Ang unang pelikula na itinampok si Kapitan Kidlat ay ang pelikulang Kapitan Kidlat noong 1953 na pinagbidahan ni Armando Goyena bilang si Inocencio Santos at Kapitan Kidlat. Nasa produksyon ito ng LVN Pictures.[1] Isang pelikula noong 1981 na pinamagatan uling Kapitan Kidlat ang pinalabas bilang lahok sa Paligsahan ng mga Pelikula ng Kalakhang Maynila na pinagbidihan ni Carlo Gabriel bilang si Kapitan Kidlat.[4] Si Dranreb Belleza ay nanalo bilang ang Pinakamahusay na Batang Aktor sa pelikulang ito[5] na gawa ng Premiere Production.[4]
Noong 1985 hanggang 1986, isa namang seryeng pantelebisyon na pinamagatang Kidlat ang ginawa tungkol sa karakter na pinagbidahan ni Ricky Davao bilang si Kapitan Kidlat. Iniba ng seryeng ito ang pinagmulan ng karakter, imbis na si Zeus, si Bathala ang nagbigay sa kanya ng kapangyarihan.[2] Noong 2003, si Mikey Arroyo naman ang naging Kapitan Kidlat sa pelikulang pinamagatang Kapitan Kidlat Ngayon! na ginawa ng Movie Production Philippines[6] na pinagbibidahan din ni Armando Goyena, ang gumanap na Kapitan Kidlat noong pelikula ng 1953. Natapos ang pelikula[6] ngunit hindi napalabas sa sinehan.[7]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 1.2 "Kapitan Kidlat". kapitankidlat.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2019-07-09.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2.0 2.1 2.2 2.3 2.4 2.5 2.6 "Kapitan Kidlat". www.internationalhero.co.uk (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2019-07-09.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Enriquez, Virgilio G. (1986). Philippine World-view (sa wikang Ingles). Institute of Southeast Asian. ISBN 9789971988197.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 4.0 4.1 Kapitan Kidlat (sa wikang Ingles), nakuha noong 2019-07-09
{{citation}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Kisapmata Wins Nine Awards". Star For All Seasons (sa wikang Ingles). 2010-07-06. Nakuha noong 2019-07-09.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 6.0 6.1 Lo, Ricky (2003-10-21). "Who's the 'lucky M' in Mikey's life?". philstar.com (sa wikang Ingles). The Philippine Star. Nakuha noong 2019-07-09.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "TINTOY's THOUGHTS". Aliwan Avenue. 2009-09-08. Nakuha noong 2019-07-09.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)