Kapuluan ng Tres Reyes
Ang Kapuluan ng Tres Reyes (ang Tres Reyes ay mula sa Kastila para sa "Tatlong mga Hari", kaya't may kahulugang "Kapuluan ng Tatlong mga Hari; Ingles: Tres Reyes Islands) ay tatlong maliliit na mga pulo na napangalanan bilang Gaspar, Melchor, at Baltazar, na hinango mula sa Tatlong mga Haring Mago. Matatagpuan ang mga ito sa Gasan, Marinduque sa Pilipinas. Ang pulong Gaspar ay mayroong isang maiksing haba ng baybaying mayroong mga bulaklak na bato at malinaw na katubigang kulay na pinaghalong bughaw at lunti. Ang mga pulong Melchor at Baltazar ay matatarik na mga dalampasigan at mga yungib na nasa ilalim ng tubig.[1]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Tres Reyes Islands in Gasan Naka-arkibo 2013-01-18 sa Wayback Machine., localphilippines.com
Ang lathalaing ito na tungkol sa Heograpiya at Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.