Pumunta sa nilalaman

Karapatang pantao

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Karapatang pangtao)
Ang Magna Carta o "Dakilang Kasulatan" ay isa sa mga unang dokumento ng Inglatera na naglalaman ng mga pangako ng isang namumuno sa kaniyang mga mamamayan para igalang ang mga partikular na karapatang legal.

Ang mga karapatang pantao ay mga pamantayang moral o kaugalian[1] na naglalarawan ng mga tiyak na pamantayan ng paggawi ng tao at palaging protektado bilang mga karapatang likas at legal sa batas-munisipyo at batas-pandaigdigan.[2] Karaniwang nauunawaan sila bilang mga di-matututulan[3] at pangunahing karapatan "na nararapat matanggap ng isang tao dahil lamang sa pagiging tao niya"[4] at "na likas sa lahat ng mga tao",[5] anuman ang kanilang edad, etnikong pinagmulan, lokasyon, wika, relihiyon, lahi, o anumang iba pang kalagayan.[3] Angkop sila saanman at kailanman sa diwa ng pagiging pansansinukob,[1] at sila ay pantay-pantay sa diwa ng pagiging kasingpantay ito sa lahat.[3] Itinuturing ang mga ito bilang nangangailangan ng empatiya at pamamahala ng batas[6] at nagpapataw ng obligasyon sa mga tao na respetuhin ang mga karapatang panto ng iba,[1][3] at karaniwang itinuturing na hindi dapat bawiin ang mga ito maliban kung resulta ng nararapat na proseso batay sa mga tiyak na pangyayari;[3] halimbawa, maaaring kabilang sa karapatang pantao ang pagiging malaya sa ilegal na pag-aresto, pagpapahirap, at pagbitay.[7]

Naging napakamaimpluwensya ang doktrina ng karapatang pantao sa larangan ng pandaigdigang batas at sa loob ng mga pandaigdigan at panrehiyonal na institusyon.[3] Binubuo ng mga kilos ng mga estado at di-pampamahalaang organisasyon ang isang batayan ng patakarang pampubliko sa buong mundo. Iminumungkahi ng ideya ng karapatang pantao[8] na "kung maaaring sabihin na may karaniwang wikang moral ang pahayag pangmadla ng pandaigdigang lipunan tuwing kapayapaan, ito ay yaong sa karapatang pantao". Patuloy ang mga matibay na pag-angkin na ginawa ng doktrina ng karapatang pantao sa pagpupukaw ng maraming pag-aalinlangan at debate tungkol sa nilalaman, kaurian at katwiran ng karapatang pantao hanggang sa panahong ito. Ang eksaktong kahulugan ng sal pamamahiya.sa tao sa pampublikong lugaykarapatan ay kontrobersyal at paksa ng patuloy na debateng pilosopikal;[9] habang nagkakaisa na sumasaklaw ang karapatang pantao sa malawakang uri ng mga karapatan[5] tulad ng karapatan sa makatarungang paglilitis, proteksyon mula sa pang-aalipin, pagbabawal sa henosidyo, kalayaan sa pananalita[10] o karapatan sa edukasyon, may di-pagkakasundo tungkol sa alin ng mga tanging karapatan ang dapat maisasama sa pangkalahatang balangkas ng karapatang pantao;[1] iminumungkahi ng iilang palaisip na ang karapatang pantao ay dapat saligang kahilingan upang maiwasan ang mga pinakamalubhang kaso ng abuso, habang itinuturing ito ng iba bilang mas mataas na pamantayan.[1][11]

Karamihan sa mga simpleng ideya na nagbigay-buhay sa kilusan ng karapatang pantao ay nabuo pagkatapos ng Ika-2 Digmaang Pandaigdig at mga kaganapan ng Holokausto,[6] na humantong sa pagpapatibay ng Pandaigdig na Pagpapahayag ng mga Karapatang Pantao sa Paris ng Pangkalahatang Kapulungan ng mga Nagkakaisang Bansa noong 1948. Hindi nagkaroon ang mga sinunang tao ng magkatulad at makabagong pagkaunawa ng pandaigdigang karapatang pantao.[12] Ang totoong tagapaguna ng diskurso sa karapatang pantao ay ang konsepto ng karapatang likas na lumitaw bilang bahagi ng edad medyang tradisyon ng likas na batas na naging prominente noong Europeong Pagkamulat na may mga pilosopo tulad nila John Locke, Francis Hutcheson at Jean-Jacques Burlamaqui na prominenteng itinampok sa usapang pultikal ng Himagsikang Amerikano at Himagsikang Pranses.[6] Mula sa saligang ito, bumangon ang mga argumento ukol sa makabagong karpatan noong huling bahagi ng ika-20 siglo,[13] marahil bilang reaksyon sa pang-aalipin, pagpapahirap, henosidyo at krimen sa digmaan,[6] bilang pagkaunawa ng likas na kahinaan ng tao at bilang pagiging patiunang kondisyon ng posibilidad ng makatarungang lipunan.[5]

Ang Panukalang Batas ng mga Karapatan (Ingles: Bill of Rights) ay ang kalipunan, talaan, o buod ng mga karapatang naaayon sa batas.[1] Maaari itong isang pahayag ng mga karapatan ng isang klase o uri ng mga tao. Isang halimbawa nito ay ang unang sampung susog (pagbabago) sa Konstitusyon ng Estados Unidos, na ipinagtibay noong 1791 at naggagarantiya (sumasagot o nangangako) ng ganyang mga karapatan katulad ng mga kalayaan sa pagsasalita, pagpupulong, at pagsamba. Isa pang halimbawa ay ang kasunduang pangkonstitusyon ng Inglatera noong 1689, na kumumpirma o tumiyak sa deposisyon (pagkatanggal sa tungkulin) ni Haring James II ng Inglatera at ang aksesyon (pagtatalaga sa tungkulin o trono) nina William at Mary ng Inglatera, na gumarantiya sa paghahalilihang Protestante, at ang paglalatag o pagtatalaga ng mga prinsipyo ng supremasya o pangingibabaw na parlamentaryo.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 James Nickel, with assistance from Thomas Pogge, M.B.E. Smith, and Leif Wenar, 13 December 2013, Stanford Encyclopedia of Philosophy, Human Rights, Retrieved 14 August 2014
  2. Nickel 2010
  3. 3.0 3.1 3.2 3.3 3.4 3.5 The United Nations, Office of the High Commissioner of Human Rights, What are human rights?, Retrieved 14 August 2014
  4. Sepúlveda et al. 2004, p. 3"Archived copy". Inarkibo mula sa orihinal noong Marso 28, 2012. Nakuha noong Nobyembre 8, 2011.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. 5.0 5.1 5.2 Burns H. Weston, 20 March 2014, Encyclopædia Britannica, human rights, Retrieved 14 August 2014
  6. 6.0 6.1 6.2 6.3 Gary J. Bass (book reviewer), Samuel Moyn (author of book being reviewed), 20 October 2010, The New Republic, The Old New Thing, Retrieved 14 August 2014
  7. Merriam-Webster dictionary, [1], Retrieved 14 August 2014, "rights (as freedom from unlawful imprisonment, torture, and execution) regarded as belonging fundamentally to all persons"
  8. Beitz 2009, p. 1
  9. Shaw 2008, p. 265
  10. Macmillan Dictionary, human rights – definition, Retrieved 14 August 2014, "the rights that everyone should have in a society, including the right to express opinions about the government or to have protection from harm"
  11. International technical guidance on sexuality education: an evidence-informed approach (PDF). Paris: UNESCO. 2018. p. 16. ISBN 978-9231002595.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. Freeman 2002, pp. 15–17
  13. Moyn 2010, p. 8

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.