Kasaysayang militar
Ang kasaysayang militar ay isang disiplina ng mga araling pantao[1] na nasa loob ng saklaw ng pangkalahatang pangkasaysayang pagtatala ng hidwaang may sandata sa kasaysayan ng sangkatauhan, at ang epekto nito sa mga lipunan, sa kanilang mga kultura, mga ekonomiya at nagbabagong pakikipag-ugnayang pampolitika at pandaigdigan.
Ang mga propesyunal na manunulat ng kasaysayan ay karaniwang tumutuon sa mga bagay-bagay na militar na nagkaroon ng isang pangunahing epekto sa mga lipunan pati na sa kinahinatnan ng mga hidwaan, habang ang mga baguhang historyador ay kadalasang tumutuon ng pansin sa isang mas malaking mga detalye ng labanan, kagamitan at mga unipormeng ginamit.
Ang mahahalagang mga paksa sa pag-aaral ng kasaysayang militar ay ang mga sanhi ng digmaan, ang mga saligang panlipunan at pangkultura, ang mga ginamit na doktrinang militar ng bawat partido, ang lohistika, pamumuno, teknolohiya, estratehiya, at taktika, at kung paano nabago ang mga ito sa pagdaan ng panahon.
Bilang isang nilapat o ginagamit na larangan, ang kasaysayang militar ay pinag-aralan sa mga akademiya at mga paaralang pangpagsisilbi dahil ang pag-aatas na militar ay naglalayong huwag maulit ang nakaraang mga pagkakamali, at mapainam ang pangkasalukuyang pagganap nito sa pamamagitan ng pagkikintal ng isang kakayahan sa mga tagapag-atas (mga komander) na mawatasan ang mga pag-aagapayang pangkasaysayan habang nasa isang paglalaban, upang makapamuhunan sa mga aral na natutunan mula sa nakaraan.
Ang disiplina ng kasaysayang militar ay dinamiko, na nagbabago sa pag-unlad ng paksa at ng mga lipunan at mga organisasyon na gumagamit nito.[2] Ang likas na kasiglahan ng disiplina ng kasaysayang militar ay malakihang may kaugnayan sa kabilisan ng pagbabagong naganap sa mga puwersang militar, at sa sining at agham na nangangasiwa ng mga ito, pati na sa pasilakbong tulin ng kaunlarang pangteknolohiya na naganap habang nasa panahon ng Rebolusyong Pang-industriya, at sa kamakailan habang nasa mga kapanahunang nukleyar at impormasyon.
Isang mahalagang kamakailang konsepto ay ang tinatawag sa Ingles na Revolution in Military Affairs (RMA) o Rebolusyon sa Mga Pakikitungong Militar na nagtatangkang ipaliwanag kung paanong ang pagdirigmaan ay nabigyang hugis ng lumilitaw na mga teknolohiya, katulad ng pulbura. Binibigyang liwanag nito ang maiiksing mga bugso ng mabilis na pagbabagong nasundan ng mga panahon ng kaugnay na katatagan.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "The Discipline Of Military History". Bartleby Research. Nakuha noong 9 Pebrero 2023.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Cowley, Parker, p.xiii
Ang lathalaing ito na tungkol sa Kasaysayan, Militar at Digmaan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.