Pumunta sa nilalaman

Katabaan ng kabataan

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Katabaan ng kabataan
Mga bata na iba't iba ang antas ng katabaan ng katawan.
EspesyalidadEndokrinolohiya, pedyatriya, bariatric medicine Edit this on Wikidata
Isang lalaking nasa kaniyang kabataan at labis ang timbang para sa kaniyang edad.

Ang katabaan ng kabataan (Ingles: childhood obesity) ay isang katayuang kung kailan ang labis na taba ng katawan ay mayroong negatibo o masamang epekto sa kalusugan o kapakanan ng isang bata. Sapagkat mahirap tukuyin nang tuwiran ang mga paraan upang maantasan ang taba sa katawan, ang diyagnosis ng katabaan o ng pagiging mataba ay madalas na nakabatay sa Body Mass Index o BMI (talatuntunan ng masa ng katawan). Dahil sa tumataas na paglaganap ng katabaan sa kabataan at ang maraming masasamang mga epekto sa kalusugan nito, kinikilala ito bilang isang seryosong alalahanin at pananagutan na may kaugnayan sa kalusugan ng madla.[1]

Ang katagang sobra sa timbang o overweight sa Ingles sa halip na obese o napakataba (matabang-mataba) ay madalas na ginagamit para sa mga bata dahil sa hindi ito gaanong nakakadungis ng karangalan.[2] Upang maiwasan o mabaliktad ang katabaan sa kabataan, kailangang magsagawa ng isang muling pagsusuri ng isang populasyon na may kaugnayan sa pagkonsumo ng kaloriya, pati na ng mga mungkahing gawain dahil sa estilo o gawi ng sedentaryong pamumuhay (ang pagiging "palaupo" o walang ginagawang gawaing ginagamit ang buong katawan) sa kasalukuyang kapanahunan.[3]

Ang katabaan sa kabataan ay "natatanging" mapanganib sa kalusugan ng tao dahil marami sa mga kabataan na labis ang timbang o bigat para sa kanilang edad ay maaaring maging mga adultong sobra ang katabaan para sa kanilang gulang. Kabilang, subalit hindi limitado, sa mga suliraning pangkalusugan na may kaugnayan sa mga batang matabang-mataba ang pangalawang uri ng diyabetes sa panahon ng adolesensiya at sa maagang yugto ng pagiging adulto, sakit sa puso, atakeng serebral, at altapresyon; ang mga karamdamang ito, hanggang sa kamakailan lamang, ay dating hindi pangkaraniwan sa mga bata at mga kabataan. Kung kaya, ang katayuan ng pagiging mapintog, ng pagkakaroon ng mabilog na pangangatawan, at pagiging matambok ng pisngi ay hindi masasabing "malusog", sapagkat hindi ito nangangahulugan na wasto ang timbang ng bata o kabataan para sa kanilang edad, at maaaring hindi sapat o hindi tama ang uri ng nutrisyong tinatanggap nila. Kaya mahalaga ang edukasyong pangkalusugan, wastong pagkain, at ehersisyo upang magkaroon ng angkop na pangangatawan at maiwasan o mabawasan ang tiyansang maging masasakitin ng kabataan hanggang sa paglaki at pagtanda bilang adulto.[4]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Kopelman, Peter G (2005). Clinical obesity in adults and children: In Adults and Children. Blackwell Publishing. p. 493. ISBN 978-1-4051-1672-5.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Bessesen DH (2008). "Update on obesity". J. Clin. Endocrinol. Metab. 93 (6): 2027–34. doi:10.1210/jc.2008-0520. PMID 18539769. {{cite journal}}: Unknown parameter |month= ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Han Joan C.,"Childhood Obesity", "The Lancet", 2010
  4. Katabaan ng Kabataan (childhood obesity), Kalusugan.ph

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]


TaoKalusuganPanggagamot Ang lathalaing ito na tungkol sa Tao, Kalusugan at Panggagamot ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.