Pumunta sa nilalaman

Katan-bator Magsaryab

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Katan-bator Magsaryab
哈丹巴特尔·马克思尔扎布
Хатанбаатар Магсаржав
Khatanbaatar Magsarjav
Punong Ministro ng Mongolya (acting)
Nasa puwesto
February 15, 1921 – March 13, 1921
Nakaraang sinundanGonchigjalsanchin Badamdoroi
Sinundan niDambiyin Chagdaryab
Personal na detalye
Isinilang1877
Bulgan aimag, Mongolia
YumaoSeptember 3, 1927

Si Katan-bator Magsaryab (Mongol:Хатанбаатар Магсаржав Latin:Khaatanbaatar Magsarjav) (Intsik : 哈丹巴特尔·马克思尔扎布 Pinyin: 'Hā dān bātè'ěr·mǎkèsī ěr zhā bù) ay Isang Heneral sa Mongolia na namuno sa Rebolusyong Mongolyano noong 1911, siya at ang kanyang walong daang kawal ng hukbong Mongol at mga puting Ruso ay nag tulungan upang palayasin ang pwersang Intsik ni Heneral Zu Shuzeng sa Urga. sa tulong ni Datu Roman von Ungern-Sternberg ng Rusya. sa pagitan ng taong 1912 at 1921 ng walang kahit isang pagkatalo.

Si Sandorij Magsaryab ay ipinanganak sa lunsod ng Tage-Olongor sa Sain Noyon Khan aimag na ngayon ay probinsya ng Bulgan sa Mongolia. siya ay kabilang sa Tribong Sayinoya, sa gitnang bahagi ng Mongolia, Tinuruan siya ng kanyang Ama sa pagsusulat at pagbabasa, at noong siya ay 11 taong gulang, siya ay pinag kasundo sa isang Dalagitang nag ngagalang Tsevegmid, at noong siya sumapit sa ika 25 na taon gulangay nag lingkod siya sa kanyang ama sa pamamahala sa karaban, at noong pumanaw ang kanyang ama , ay minana niya ang titulong Prinsepe. noong siya ay tumungtong sa edad na 30, ay meron na siyang sampung mga anak, ngunit limalang ang nabuhay sa mga ito.

Sa panahon ni Boyud Khan

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Fu Sanduo (三多), ang ika- 62nd at huling Amban ng Urga (1910-1911) .
Ang pananalakay ng Nakakabayong Sundalo ng prwesang Tsina sa Timog ng Mongolia.

Si Magsaryab ay naglingkod sa Tsina bilang Punong Kawal ng Amban na naka base sa Ulastai (na dating kabisera ng Mongolia) noong panahon ng Dinastiyang Qing. Nguit sa Tsina ay naganap ang Rebleyong Xinhai na siyang unti unting pang bagsak ng Monarkiyang Manchu sa Tsina, at pagkakatatag ng pamahalaan ng Republikang Tsina sa ilalim ni Yuan Shikai .

At ng mag deklara ng Kalayaan ang Mongolya ay iniutos ni Magsariyab ang Pag alis ng mga Amban sa Ulastai at ang pag alis ng mga Sundalong Qing sa Mongolia, Ngunit tumanggi si Amban Sanduo sa Kautusan ng bagong pamamahalang Mongol. Sa halip ay nag karoon ng militarisasyon sa mga daan malapit sa Ulastai. At ginamitan sila ng pwersang Mongol ng istratehiya sa pamamagitan ng Pag atake sa kanilang mga Karaban na siyang nag dadala ng suplay ng Armas.Gamot pagkain . Nag patuloy ito hanggang makaipon sila ng lakas para salakayin ang Garison ng mga sundalong Manchu at ang Palasyo ng Amban sa Ulastai.

Ng Sumuko ang Amban ng Tsina at napalayas ang pwersang manchu sa Mongolia, ay Ginawaran si Magsarjav ng Titulong Katanbatar ( na ang kahulugan ay Magiting na Bayani ) kaya nadagdagan ang kanyang pangalan ng katagang Kahatanbatar Magsariyab.


At noong tagsibol ng 1913, Ay inatasan ng Pamahalaang Mongol na Ipagtanggol ang katimugang bahagi ng Mongolia at ang Lunsod ng Dolon Nur Laban sa Pananalakay ng Pwerang Intsik sa ilalim ni Heneral Duan Qirui ng Republikang Tsina. Sa tulong ng mga Ruso at mga buryatia, ay Naipagtanggol ng Pwersang Mongol ang Katimugang Mongolia laban sa Tsina.

Pag-bawi sa Loobang Mongolia

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ang Medalayng Shar Joulo.

Ayon naman sa Bayograpiya ni Korulochin Choibalsan, noong 1914, nabawi ng Labasang Mongolia ang Loobang Mongolia na sakop ng bansang Tsina, inatasan siya ng pamahalaan na protektahan ang lungsod ng Jingpeng at ang lunsod ng Hohot laban sa pananalakay ng mga Intsik. Kinailangan nila ang pwersa ng mga Ruso upang protektahan ang loobang mongolia, ngunit tumanggi ang pamahalaang ruso dahil sa banta ng pananakop ng Bansang Hapon sa Silangang Rusya, kaya ng mag tagumpay siya sa pag protekta sa loobang mongolia ay ginawaran siya ng medalyang Shar Joulo . Bukod sa laban niya sa mga Intsik ay napagtagumpayan din niya ang Laban mula sa paksyon ng Babuja na nanggugulo sa Silangang Mongolia at noong 1918, ay ginawaran siya ng sarili niyang watawat.

Pananakop ng Tsina

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Si Heneral Xu Suzheng, Ang Warlord ng Hilagang Tsina.

Noong 1919 , Matapos Salakayin ang Kabisera at Mapailalim ang Mongolya sa bansang Tsina, sa ilalim ni Warlord Xu Shuzheng, ay Nabilango si Magsarjav sa isang kampong Intsik sa NislelKhurei (na ngayon ay tinatawag na Ulaanbaatar ) Dahil siya ay pinaghinalaang kakampi ng isa pang rebolusyonarong Mongol na si Heneral Damdin Sugbatar. Pinahirapan siya ng mga intsik kasama ang kanyang Pinuno ng pwersang Mongol na si Manlaibatar Damdinsuren, namatay si Damdinsuren sa loob ng kampo dahil sa pinahirapan ito ng mga sundalong Tsino sa utos ni Capitan Tien Shihung.

At noong 1921 ay Sinalakay ng Sundalo ng Kawal Asyatiko Ang Garisong Tsino sa Mongolia sa ilalim ng Rusong warlord na si Datu Roman von Ungern-Sternberg, ay napaalis ng Kawal asyatiko ang mga sundalong Intsik sa Nilslel Khurei at pinalaya nito sa bilanguan ng Garison .

Naging Punong Ministro si Magsariyab ng Pamahalaang Pupet ng Mongolya sa ilalim ni Datu Roman at tumulong sa pag hihikayat sa mga Mongol na sumapi sa kawal Asyatiko upang palayasin ang natitirang pwersang Tsino sa Mongolia. Kaya noong 1921 ay lumabas ng kabisera si Magsariyab upang pamunuan ang mga sundalo ng Kawal Asyatiko upang protektahan ang ang mga probinsiya malapit sa ulastai laban sa pananalakay ng pwersang rebolusyonaryo ni Heneral Damdinsuren at ang Red Army ng Komunistang Rusya. Ngunit noon ding 1921 ay sumapi sa Mga rebolusyonaryong Mongol si Magsariyab dahil sa unti unting pag kontrol ng mga puting Ruso sa Mongolya at Pinalibutan nila ang kawal ni magsaryab at napatay nila ang mga pwersa ng mga Sundalong buryat at mga Ruso ng kawal Asyatiko sa isang kampo malapit sa Ulastai,nakatakas ang mga kumander ng mga ito At noong gabi ng hulyo 22, ay pinatay nila ang mga natitirang puting Ruso sa Ulastai.

Pagkatapos ng Rebolusyong Mongolyano

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Tinutugis parin ni Magsariyab ang mga natitirang kawal ni Datu Urgern sa probinsya ng mongolia hanggang sa kalagtnaan ng taong 1922. Naging Punong Ministro ng militar sa Mongolia at noong 1923 ang mga tropa ng grupng kontra- rebolusyonaryo (Na dating sundalo ni Datu Urgern) ay humingi ng tulong mula kay Magsariyab sahalip ay ipinadala sila sa Kagawaran ng pamahalaang panloob. Sumali si Magsariyab sa Mongolian Peoples Party (na isang maka-kaliwang partido politikal sa Mongolya) noong 1925, at noong taon ding iyon ay ipinadala siya sa Moscow para sa isang usapang diplomatiko, at nahalal sia bilang pinuno ng Komite ng Peoples party.

Noong 1926 ay pumanaw si Magsariyab dahil sa isang karamdaman at inilibing siya sa isang musoleyo na hugis Ger (o tolda) sa bayan ng ng Bulgan.

At Dahil sa kanyang kabayanihan at magaling na pamumuno ay Indineklara ng pamahalaan ng Mongolian Peoples Republic na madagdagan ang kanyang titulo ng Ardin Khatanbatar Magsariyab (na ang kahulugan ay "Makataong Bayaning si Magsariab" ).

Mga Sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]

[1]

Sinundan:
Shirindambyn Namnansüren
Punong Ministro ng Mongolia
February 15, 1921 to March 13, 1921
Susunod:
Dambyn Chagdarjav

Padron:Mga Punong Ministro sa Mongolia

  1. Urgunge Onon, Mongolian Heroes of the 20th Century, New York 1976, p. 105-142 (translation of Kh. Choibalsan, A brief history of Ardyn Khatanbaatar Magsarjav, Ulaanbaatar 1942)