Katarata

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Katarata
EspesyalidadOphthalmology Edit this on Wikidata
DalasKamalian sa panitik: Walang ganyang modulo

Ang katarata (Ingles: cataract, Kastila: catarata) ay ang paglabo ng lente sa loob ng matá na nagdudulot ng panlalabo ng paningin. Ito ang pinakakaraniwang sanhi ng pagkabulag sa buong mundo at karaniwang nagagamot sa pamamagitan ng operasyon. Ang pagkawala ng paningin ay sanhi ng opacification ng lente na humaharang sa liwanag na makapasok at mapokus sa retina sa likod ng mata.[1]

Karaniwang sanhi ito ng pagtanda,[2] ngunit marami ring sanhi ang makapagdudulot nito. Sa paglipas ng panahon, nadedeposituhan ang lente ng yellow-brown pigment, at ito, kasabay ng disruption ng hibla ng lente, nababawasan ang transmisyon ng ilaw at nahahantong sa problema sa paningin.

Ang mga may katarata ay malimit nahihirapang makakita ng mga kulay at pagbabago sa contrast, pagmamaneho, pagbabasá, pagkilala ng mga mukha at kayanin ang ningning mula sa mga maliwanag na ilaw.[3]

Talasanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. Quillen DA (July 1999). "Common causes of vision loss in elderly patients". Am Fam Physician. 60 (1): 99–108. PMID 10414631.
  2. Courtney P (1992). "The National Cataract Surgery Survey: I. Method and descriptive features". Eye (Lond). 6 (Pt 5): 487–92. doi:10.1038/eye.1992.103. PMID 1286712.
  3. Allen D, Vasavada A (2006). "Cataract and surgery for cataract". BMJ. 333 (7559): 128–32. doi:10.1136/bmj.333.7559.128. PMC 1502210. PMID 16840470.