Katedral ng San Andres, Singapore
Katedral ng San Andres | |
---|---|
| |
1°17′31.5″N 103°51′7.3″E / 1.292083°N 103.852028°E | |
Lokasyon | 11 Daang St Andrew |
Bansa | Singapore |
Denominasyon | Anglikano |
Churchmanship | Mababang simbahan |
Websayt | http://cathedral.org.sg/ |
Kasaysayan | |
Consecrated | Enero 25, 1862 |
Arkitektura | |
Estado | Katedral |
Katayuang gumagana | Aktibo |
Pagtatalaga ng pamana | National Monument[1][2] |
Designated | 1973 |
Arkitekto | Ronald MacPherson |
Istilo | Neogotiko |
Detalye | |
Kampana | 12 + Flat 6th |
Pamamahala | |
Parokya | San Andres |
Diyosesis | Singapore |
Klero | |
Dekano | Rt Revd Rennis Ponniah |
(Mga) Bikaryo | Revd Kanon Terry Wong[3] |
Itinutukoy | 28 June 1973 |
Ang Katedral ng San Andres ay isang Anglikanong katedral sa Singapore. Matatagpuan ito malapit sa Munisipyo, Downtown Core, sa loob ng Sentral na Pook sa sentral na distritong pangnegosyo ng Singapore. Ito ang pangunahing simbahang Katedral ng Anglikanong Diyosesis ng Singapore at nagsisilbing inang simbahan ng 27 parokya at higit sa 55 kongregasyon. Ang simbahan ay umiiral na sa lugar mula pa noong 1836, bagaman ang kasalukuyang gusali ay itinayo noong 1856–1861. Ang logo ng Cathedral ay ang Krus ni San Andres.
Taong 2006 minarkahan ang ika-150 anibersaryo ng Misyong Simbahan ni San Andres, na pinasimulan noong 1856.
Arkitektura
[baguhin | baguhin ang wikitext]Neogotiko ang estilong pang-arkitektura ng umiiral na simbahan, at tinapos sa pamamagitan ng Madras chunam. Ang arkitekto na si MacPherson ay sinasabing humugot ng inspirasyon para sa mga aspekto ng disenyo mula sa Abadia Netley, isang nawasak na ikalabintatlong siglong simbahan sa Hampshire, England.[kailangan ng sanggunian] Ang mga pilar ng nabe ng San Andres ay malapit na katulad ng mga nakaligtas na pilar sa Netley.
Ang tatlong may minantsahang salaming bintana na matatagpuan sa abside ay nakatuon sa tatlong mahalagang tao sa maagang kasaysayan ng kolonyal na Singapore at kinakatawan sa mga bintana ng kanilang mga eskudo de armas. Ang bintana sa gitna ay alay kay Sir Stamford Raffles, ang mga bintana sa kaliwa kay John Crawfurd, ang unang pangunahing Residente ng Singapore, at ang mga bintana sa kanan kay Mayor General William Butterworth, ang gobernador na nagpasimula sa pagtatayo ng pangalawang simbahan gusali.[kailangan ng sanggunian] Gayunpaman, ang orihinal na mgabintanang minantsahang salamin ay nasira sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.[kailangan ng sanggunian] Si MacPherson ay naaalala sa kulay abo at pulang granitong bantayog na pang-alaala na tinuktukan ng isang krus na Maltes sa bakuran, at ng minantsahang salamin na bintana sa itaas ng pintuang nasa kanluran. Ang Jalan Klapa ay pinalitan din ng pangalan bilang Daang MacPherson para sa kaniyang karangalan. Ang galeriya sa Kanlurang dulo ay hindi bahagi ng plano ni MacPherson ngunit idinagdag pagkatapos magbukas ang Katedral. Mayroon lamang itong mga pinalamutian na elemento sa simbahan, na may hinalamanang pilar at pilastro, at mga arkong naka-crochet.[4]
Tatlong bagay sa Katedral ng San Andres ang sumasagisag sa pagkakaugnay ng Simbahan sa Anglikang Komunyon sa Inglatera at ang katapatan nito sa pandaigdigang Luklukan ng Canterbury.[kailangan ng sanggunian] Ang Batong Canterbury, na itinayo sa isang haligi ng atril at mayroong isang tanso na replika ng Krus ng Canterbury, ay ipinadala mula sa Katedral ng Canterbury noong 1936.Maling banggit (Hindi tamang <ref>
tag;
May pangalan dapat ang refs na walang nilalaman); $2 Ang Krus ng Coventry, sa haliging sumusuporta sa pulpito, ay ginawa mula sa tatlong pakong bakal na pinahiran ng pilak mula sa mga guho ng ika-14 na siglong Katedral ng Coventry na nawasak ng pambobomba noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.[kailangan ng sanggunian] Ang Alpombra Pangkoronasyon sa Kapilya ng Pagpapakita ng Panginoon ay nagmula sa alpombra na ginamit sa Koronasyon ni Reyna Elizabeth II sa Abadia Westminster.[kailangan ng sanggunian]
Mga Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Republic of Singapore. Government Gazette. Subsidiary Legislation Supplement. (6 July 1973). The Preservation of Monuments Order 1973 (S228/1973, p. 377). Singapore: [s.n.]. Call no.: RSING 348.5957 SGGSLS
- ↑ "Preserving our heritage: Wayang Street is the focal point". The Straits Times. National Library Board archives. 2 Agosto 1973. p. 12.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Staff Directory". St Andrew's Cathedral website. Inarkibo mula sa orihinal noong 2002-04-14. Nakuha noong 2020-11-22.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Jane Beamish; Jane Ferguson (1 Disyembre 1985). A History of Singapore Architecture: The Making of a City. Graham Brash (Pte.) Ltd. pp. 48–51. ISBN 978-9971947972.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
- Norman Edwards, Peter Keys (1996), Singapore - Isang Gabay sa Mga Gusali, Kalye, Lugar, Times Books International,ISBN 9971-65-231-5
- Insight City Guide: Singapore
Mga panlabas na link
[baguhin | baguhin ang wikitext]Walang kategorya ang artikulong ito.
Makakatulong sa pagpapaunlad ng artikulong ito sa paglalagay ng isa o higit pang kategorya upang maisama ito sa mga kaugnay na artikulo (paano?). Alisin po lang ang tag pagkaraan ng pagsasauri, hindi bago nito.(Disyembre 2023) |