Pumunta sa nilalaman

Kautusan ng Potsdam

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Kautusan ng Potsdam

Ang Kautusan ng Potsdam (Aleman: Edikt von Potsdam) ay isang proklamasyon na inilabas ni Federico Guillermo, Tagahalal ng Brandeburgo at Duke ng Prusya, sa Potsdam noong Oktubre 29, 1685, bilang tugon sa pagbawi ng Kautusan ng Nantes ng Kautusan ng Fontainebleau. Hinikayat nito ang mga Protestante na lumipat sa Brandeburgo.

Mga Pranses na Huguenot na tumatakas patungong Brandeburgo

Noong Oktubre 22, 1685, inilabas ni Haring Luis XIV ng Pransiya ang Kautusan of Fontainebleau, na bahagi ng isang programa ng pag-uusig na nagsara ng mga simbahan at paaralan ng mga Huguenot. Ang patakarang ito ay nagpalaki sa panliligalig sa mga relihiyosong minorya mula nang ang mga dragonnade ay nilikha noong 1681 upang takutin ang mga Huguenot na magbalik-loob sa Katolisismo. Bilang resulta, isang malaking bilang ng mga Protestante — ang mga pagtatantya ay mula 210,000 hanggang 900,000 — ang umalis sa Pransiya sa susunod na dalawang dekada.

  • Französischer Dom: ang Pranses na Katedral ng Berlin, na itinatag noong 1705 para sa mga Huguenot na imigrante. Ang disenyo nito ay batay sa isang templong Huguenot sa labas ng Paris, na giniba noong 1685.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
[baguhin | baguhin ang wikitext]