Pumunta sa nilalaman

Kautusang Tagapagpaganap Bilang 464 ng Pilipinas

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang Kautusang Tagapagpaganap Bilang 464 ay isang kontrobersiyal na kautusang tagapagpaganap (executive order) na inilabas sa Pilipinas noong 26 Setyembre 2005 ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na hindi pinapahintulutan ang mga kasapi ng gabinete, mga heneral ng pulisya at militar, mga senyor na opisyal pambansang seguridad, at "ibang mga opisyal na maaaring itukoy ng Pangulo" na dumalo sa pandinig ng kongreso maliban kung papayagan ng Pangulo ang mga dadalo sa mga ganoong pandinig.

Nalikha ang kautusan ng dalawang opisyal ng militar na nagpakita sa pandinig ng Komite ng Senado sa Pambansang Pagtatanggol ukol sa Hello Garci scandal.

Nahain ng petisyon ang Integrated Bar of the Philippines (IBP), Bayan Muna, Courage, Counsels for the Defense of Liberties, dating Solicitor General Frank Chavez, Alternative Law Groups Inc., 17 mga senador, at PDP Laban sa Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas upang gawing inbalido ang Executive Order.

Desisyon ng Korte Suprema

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong 20 Abril 2006, sa isang 52-pahinang desisyon sa isang pulong sa Lungsod ng Baguio, ginawang inbalido ng Korte Suprema ang ilang seksiyon ng kautusan - ito ang mga Seksiyon 2(B) at 3. [1] Naka-arkibo 2006-05-02 sa Wayback Machine. Hindi pinapayagan ang mga seksiyon na ito ang mga opisyal ng Kagawaran ng Tagapagpaganap na dumalo sa mga pandinig ng Kongreso ng walang pahintulot ng Pangulo. Bagaman, ginawang balido ng Korte Suprema ang Seksiyon 1 at 2 . [2] Naka-arkibo 2020-08-13 sa Wayback Machine. Sinusigurado ng pagiging balido nito ang karapatan ng Pangulo na bawalan ang mga opisyal sa ilalim niya sa pagharap sa panahon ng oras ng pagtatanong sa Senado at sa Kapulungan ng mga Kinatawan at ang karapatan na humiling para sa isang saradong pulong kung "kinakailangan sa seguridad ng estado o ng interes ng publiko."

[baguhin | baguhin ang wikitext]