Kay-Anlog
Nangangailangan pong patunayan ang nilalaman ng artikulo na ito sa pamamagitan ng mga pagdagdag o paglagay po ng sanggunian. (Setyembre 2010)
Makakatulong po sa pagpapabuti nito ang pagdadagdag ng mapagkakatiwalaang sanggunian. Tandaan lamang po na maaaring balaan o maalis ang mga impormasyong walang sanggunian. |
Barangay Kay-Anlog | |
---|---|
Mapa ng Calamba na nagpapakita ng kinalalagyan ng Kay-Anlog (sa pula) | |
Mga koordinado: 14°9′50.25″N 121°7′10.79″E / 14.1639583°N 121.1196639°E | |
Bansa | Pilipinas |
Lalawigan | Laguna |
Rehiyon | CALABARZON (Region IV-A) |
Lungsod | Lungsod ng Calamba |
Bilang ng mga purok | 4 |
Pamahalaan | |
• Kapitan | Nestor Mendoza |
• Mga Konsehal | Nemar Mendoza Joanne Miranda Renato Alcantara Narcisa Lucido Jimmy Castillo Marni Matamis Arcadio Maglinao |
• Pinuno ng Sangguniang Kabataan | Grace Anne Mamalayan |
Lawak | |
• Kabuuan | 2.72 km2 (1.05 milya kuwadrado) |
• Lupa | 2.72 km2 (1.05 milya kuwadrado) |
Populasyon (2015) | |
• Kabuuan | 13,946 |
• Kapal | 5,127.21/km2 (13,281.9/milya kuwadrado) |
Sona ng oras | UTC+8 (PST) |
Kodigo ng lugar | 49 |
Ang Kay-Anlog ay isang barangay sa Lungsod ng Calamba, Laguna, Pilipinas. Ito ay nasa bandang kanluran ng nasabing lungsod.
Heograpiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang barangay Kay-Anlog ay matatagpuan sa bahaging kanluran ng Calamba. Ito ay binibilang nila sa kung tawagin nila ay "bulubundukin na barangay" dahil sa kanyang mataas lokasyon. Ang Kay-anlog ay napalilibutan ng mga barangay ng Ulango at Laurel sa timog, Bubuyan at Burol sa Kanluran, Punta sa Hilaga at, Makiling at Tulo sa Silangan na hinihiwalay ng Ilog San Juan. Ang mga nabanggit na mga barangay ay pawang nasa Calamba maliban sa Laurel na sakop na ng Lungsod ng Tanauan, Batangas.
Mga purok
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Kay-Anlog ay nahahati sa apat na mga purok. Ito ay ang; Kanluran (Purok Uno), Gitna (Purok Dos), Silangan (Purok Tres) at Pasong Diablo (Purok Kwatro).
Pinagmulan ng pangalan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang pangalan ng barangay ay sinasabing nagmula nagmula sa isang tao na may palayaw na Anlog (walang nakakaalam ng tunay niyang pangalan). Ayon sa kuwento, si Anlog daw ang naging tagapangalaga ng Buwisan (ang tawag pa noon sa Kay-Anlog pati na rin sa mga karatignitong mga barangay kagaya ng Bubuyan at Burol noong ang mga ito hindi pa opisyal na mga barangay). Sinasabing ang buong Buwisan ay pinagmamay-arian ng mga mayayaman na binubuwisan pa noon kaya Buwisan ang tawag noon na kung saan nga, si Anlog ang naging tagapangalaga. Ayon sa kuwento, si Anlog ay nagmula sa karatig na barangay ng Ulango (sa Tanauan, Batangas)
Talasantauhan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Taon | Pop. | ±% p.a. |
---|---|---|
1903 | 48 | — |
1918 | 48 | +0.00% |
1948 | 299 | +6.29% |
1960 | 452 | +3.50% |
1970 | 527 | +1.55% |
1980 | 639 | +1.95% |
1990 | 962 | +4.18% |
1995 | 1,119 | +2.87% |
2000 | 1,337 | +3.89% |
2007 | 2,195 | +7.08% |
2010 | 2,665 | +7.32% |
2015 | 13,946 | +37.05% |
Source: Philippine Statistics Authority[1][2][3] |
Nakalista sa lahatambilang ng taong 1903 na ang ngalan ng lugar ay "Buisan". Nang sumunod na lahatambilang taong 1918, ang lugar ay inilista bilang "Quianlog" habang taong 1948 bumalik ito sa dating ngalan na "Buwisan". Nang mga sumunod na lahatambilang, nakalista na ang lugay bilang "Kay-Anlog".
Bago ang taong 2010, isa ang Kay-Anlog sa mga barangay ng Calamba na may pinakakaunting santauhan dahil na rin sa pagiging malayo ng lugar sa pinakabayan o poblasyon. Ngunit dahil na rin sa mga proyektong pabahay ng pamahalaan sa lugar, lumaki ang santauhan sa lugar hanggang sa maging isa na sa pinakamalaki sa buong Calamba.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑
Census of Population (2015). Highlights of the Philippine Population 2015 Census of Population. PSA. Nakuha noong 20 Hunyo 2016.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: numeric names: mga may-akda (link) - ↑
Census of Population and Housing (2010). Population and Annual Growth Rates for The Philippines and Its Regions, Provinces, and Highly Urbanized Cities (PDF). NSO. Nakuha noong 29 Hunyo 2016.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: numeric names: mga may-akda (link) - ↑
Censuses of Population (1903–2007). Table 1. Population Enumerated in Various Censuses by Region: 1903 to 2007. NSO.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: numeric names: mga may-akda (link) CS1 maint: url-status (link)