Kazakh Ablai Khan University of International Relations and World Languages
Ang Kazakh Ablai Khan University of International Relations at World Languages (KAUIR & WL, Kazakh Ablai Khan University), dating Almaty Pedogogical Teacher's Institute of Foreign Languages, ay nagkakaloob ng edukasyon sa mga wikang banyaga sa loob ng 75 taon. Ang kampus nito ay nasa Almaty, Kazakhstan.
Ang kasaysayan ng pagtatatag at pag-unlad ng Kazakh Ablai khan University of International Relations at World Languages ay nauugnay sa pag-unlad ng pagtuturo ng wikang banyaga sa bansa. Itinatag ito noong panahong Sobiyet noong 1941. Nagsimula ang pagsasanay nito sa 231 mag-aaral (113 sa wikang Ingles, 97 sa wikang Aleman, 21 sa wikang Pranses).
43°14′37″N 76°55′14″E / 43.243682°N 76.920421°E Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.