Pumunta sa nilalaman

Reaksiyong kimikal

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Kemikal na reaksiyon)

Ang reaksiyong kimikal ay isang proseso ng nagreresulta sa isang pagpapalitan ng mga sustansiyang kimikal [1]. Tinatawag na mga reactant o nagbibigay ng reaksyong ang sustansiya o mga sustansiya na unang nasangkot na reaksiyong kimikal. Tinatangi ang mga reaksiyong kimikal sa pamamagitan ng pagbabagong kimikal at nagbubunga ito ng isa o higit pa na mga produkto na naiiba sa mga reactant. Sa kadalasan, sinasakop ng mga reaksiyong kimikal ang mga pagbabago na mahigpit na kinakasangkutan ng mga paggalaw ng mga elektron sa pabubuo at pagwasak ng mga kawing kimikal, bagaman nailalapat ang pangkalahatang konsepto ng isang reaksiyong kimikal, partikular ang kuro-kuro sa isang ekwasyong kimikal, sa mga pagbabago ng pangunahing mga maliit na bahagi, gayon din ng mga reaksiyong nukleyar.

Sa klasikal na konteksto, ang reaksyong kimikal ay sumasakop sa mga pagbabago na may kinalaman lamang sa mga posisyon ng mga elektron sa pagbuo at pagsira ng mga ugnayang kimikal sa pagitan ng mga atomo, na walang kasamang pagbabago sa nuclei (walang pagbabago sa elemontong kabilang), at maaaring madalas nating tawaging ekwasyong kimikal. Ang kimikang nukleyar ay isang sangay ng kimika na may kinalaman sa mga reaksyong kimikal ng mga di-matatag at radyoaktibong elemento kung saan parehong elektroniko o nukleyar na pagbabago ang maaaring maganap.

Ang sangkap (o mga sangkap) sa simula na may kinalaman sa isang reaksyong kimikal ay tinatawag na mga reactant o reagent. Ang mga reaksiyong kimikal ay karaniwang nailalarawan sa pamamagitan ng pagbabagong kimikal, at nagbibigay ang mga ito ng isa o higit pang produkto na karaniwang may mga katangiang iba mula sa mga reactant. Ang mga reaksyon ay kadalasang binubuo ng mga sunod-sunod na indibiduwal na hakbang, na siya nating tinatawag na elementarya reaksyon, at ang mga impormasyon mula sa tiyak na hakbangin ay bahagi ng mekanismong reaksyon. Ang mga reaksyong kimikal ay nailalarawan sa mga ekwasyong kimikal, na kung saan grapikal na maipapakita ang mga paunang materyales, mga dulong produkto, at kung minsan ay ang mga gitnang produkto at mga kondisyon ng reaksyon.

Ang mga reaksiyong kimikal ay nagaganap sa katangi-tanging bilis ng reaksyon sa isang nakasaad na temperatura at konsentrasyong kemikal. Ang mga mabilisang reaksyon ay tinatawag na likas, na hindi na nangangailangan ng iba pang uri ng dagdag na enerhiya maliban sa enerhiyang nagmumula sa init. Ang mga hindi likas na reaksyon ay mabagal ang proseso. Sila ay mga prosesong nangangailangan ng iba pang-uri ng dagdag na enerhiya (dagdag na init, liwanag, elektrisidad) upang matapos at mabalanse ang reaksyon sa parehong antas ng likas na reaksyon.

Isang halimbawa ng organikong reaksyon: oksihenasyon ng mga ketone sa mga ester kasama ang asidong peroxycarboxylic

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Kahulugan ng chemical reaction sa IUPAC (sa Ingles)" (PDF). Inarkibo mula sa ang orihinal (PDF) noong 2009-09-30. Nakuha noong 2006-05-02.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Kimika Ang lathalaing ito na tungkol sa Kimika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.