Reaksiyong kimikal

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ang reaksiyong kimikal ay isang proseso na nagreresulta sa transpormasyon ng isang grupo ng mga kemikal na sangkap patungo sa isa pa. Sa klasikal na konteksto, ang reaksyong kemikal ay sumasakop sa mga pagbabago na may kinalaman lamang sa mga posisyon ng mga electrons sa pagbuo at pagsira ng mga ugnayang kemikal sa pagitan ng mga atoms, na walang kasamang pagbabago sa nuclei (walang pagbabago sa elementong kabilang), at maaaring madalas nating tawaging chemical equation. Ang Kapnayang Nukleyar (Nuclear Chemistry) ay isang sangay ng Kapnayan (Chemistry) na may kinalaman sa mga reaksyong kemikal ng mga unstable at radioactive na elemento kung saan parehong elektronik o nukleyar na pagbabago ang maaaring maganap.

Ang sangkap (o mga sangkap) na inisyal na may kinalaman sa isang reaksyong kemikal ay tinatawag na reactants or reagents. Ang mga reaksiyong kimikal ay karaniwang nailalarawan sa pamamagitan ng pagbabagong kemikal, at nagbibigay ang mga ito ng isa o higit pang produkto na karaniwang may mga katangiang iba mula sa mga reactants. Ang mga reaksyon ay kadalasang binubuo ng mga sunod-sunod na indibidwal na hakbang, na siya nating tinatawag na elementary reactions, at ang mga impormasyon mula sa tiyak na hakbangin ay parte ng mekanismong reaksyon. Ang mga reaksyong kemikal ay nailalarawan sa mga chemical equations, na kung saan grapikal na maipapakita ang mga paunang materyales, mga dulong produkto, at kung minsan ay ang mga gitnang produkto at mga kondisyon ng reaksyon.

Ang mga reaksiyong kimikal ay nagaganap sa katangi-tanging bilis ng reaksyon sa isang nakasaad na temperatura at konsentrasyong kemikal. Ang mga mabilisang reaksyon ay tinatawag na likas, na hindi na nangangailangan ng iba pang uri ng dagdag na enerhiya maliban sa enerhiyang nagmumula sa init. Ang mga hindi likas na reaksyon ay mabagal ang proseso. Sila ay mga prosesong nangangailangan ng iba pang uri ng dagdag na enerhiya (dagdag na init, liwanag, elektrisidad) upang matapos at makumpketo ang reaksyon (chemical equilibrium) sa parehong antas ng likas na reaksyon.