Kenneth at Mamie Clark
Sina Kenneth Bancroft Clark (Hulyo 24, 1914–Mayo 1, 2005) at Mamie Phipps Clark (1917-1983), ay isang mag-asawang koponan ng Aprikanong Amerikanong mga sikologo na nagtatag ng Lundayan para sa Kaunlaran ng Bata (Northside Center for Child Development) sa Harlem at ng organisasyong Harlem Youth Opportunities Unlimited (HARYOU). Nakilala sila noong mga 1940 dahil sa kanilang mga pagsubok na gumagamit ng mga manika upang pag-aralan ang mga pag-uugali ng mga bata hinggil sa lahi ng tao, na nagmula sa isang tesis na pangdegring maestro ni Mamie Clark. Tumestigo sila bilang mga ekspertong saksi sa Briggs v. Elliott, isa sa mga kasong na sa kalaunan ay pinagsama upang maging ang tanyag na Brown v. Board of Education (Brown v. Lupon ng Edukasyon), ang kaso kung saan pinawi ng Kataas-taasang Hukuman ng Estados Unidos ang paghihiwahiwalay ng mga lahi o segregasyon panglahi sa edukasyong pampubliko.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon, Kasaysayan at Estados Unidos ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.