Kevin Harvick
Si Kevin Michael Harvick (ipinanganak noong Disyembre 8, 1975 sa Bakersfield, California) ay isang American race car driver at car owner, na nakikipagpaligsahan sa NASCAR NEXTEL CUP at Busch Series para sa Richard Childress Racing, kanyang minamaneho ang #29 Shell/Pennzoil/Reese's Chevrolet sa Cup at siya ay nangangarera ng fulltime at ang #21 Autozone Chevrolet part-time naman sa Busch Series, at sa Craftsman Truck Series, kung saan minamaneho niya ang mga kotse at truck na isinasali ng kanyang koponan sa kompetisyon. Si Harvick ang nagmamay-ari ng #2 at #33 Camping World Silverados sa Craftsman Truck Series, at ang #33 Old Spice / RoadLoans.com Naka-arkibo 2011-01-02 sa Wayback Machine. at #77 Dollar General Chevrolet sa Busch Series.
Mga Simulain
[baguhin | baguhin ang wikitext]Si Harvick ay nagumpisang mangarera sa karting matapos siyang bilhan ng kanyang mga magulang na sina Mike at JoNell ng isang go-kart bilang regalo sa kanyang pagtatapos sa kindergarten noong 1980. Ang kanyang ama ay gagawa ng bahagyang pagbabago sa kanyang sasakyang pinangkakarera ng hindi sinasabi sa noong batang si Harvick. Ito ang nagturo kay Harvick na maging handa sa kahit na ano at sa hinde inaasahan. Pagkatapos ay agad na naging matagumpay na mangangarera si Harvick sa go-kart circuit. Nag-umpisa siyang mangarera ng part time sa NASCAR AutoZone Elite Divisio, Southwest Series noong 1992 at nakipagtunggali habang tinatapos ang high school. Kapag hinde siya nangangarera habang mga buwan ng winter, si Harvick ay nakikilahok sa kanyang high school wrestling team sa Nort High School sa Oildale. Kung saan siya nagwagi ng section title sa kanyang weight class noong kanyang senior year. Siya ay nagtapos at naging full-time driver at hinirang na Rookie of the Year noong taong 1995.[1]
Pagkatapos siya ay umakyat patungong NASCAR Grand National Division, Autozone West Series noong taong 1997, at naging kampeon noong 1998 sa series na iyon habang nagmamaneho para sa Spears Motorsports. Natanggap niya ang kanyang unang national exposure noong winter ng 1997/1998 sa isang ESPN coverage ng NASCAR Winter Heat Series sa Tucson Raceway Park.[1]
Karera sa NASCAR
[baguhin | baguhin ang wikitext]Si Harvick ay unang nakilahok sa Craftsman Truck Series noong taong 1995 sa Mesa Marin Raceway, sa kanyang tinubuang bayan ang Bakersfield, kung saan siya ay nag-umpisa at nagtapos bilang ika-27 gamit #72 na pag-aari ng kanyang pamilya. Siya ay nakilahok sa apat na karera noong sumunod na season gamit ang 72, at ang kanyang pinakamainam na pagtatapos ay ika-11 sa Mesa Marin. Noong 1997, siya ay nakipagkasundo upang imaneho ang 75 para sa Spears mid-season, kung saan ipinoste niya ang pagtatapos sa ikawalong posisyon ng dalawang beses. Siya ay tumakbo ng full schedule noong sumunod na season, at nagposte ng tatlong top-five at nagtapos ng ika-17 sa puntos. Noong 1999 siya ay nagmaneho para sa Liberty Racing, at nagtapos ng ika-12 sa puntos.
Busch series
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong October 23, 1999, Si Harvick ay lumahok sa kanyang unang NASCAR Busch Series sa Kmart 200 nA ginanap sa ngayo'y hindi na aktibong North Carolina Speedway. Siya ay nag-umpisa bilang ika-24 at nagtapos bilang ika-42 dahil sa problema sa makina ng kanyang sasakyan. Ang karerang iyon ay ang kanyang nag-iisang simula noong taon na iyon. Ng sumunod na season, si Harvick ay nakipagkasundo at pumirma sa Richard Childress Racing upang imaneho ang #2 AC Delco Chevrolet para sa kanyang unang full Busch Series season. Kahit na hindi siya nakalahok sa ikalawang karera ng season sa North Carolina Speedway, dahil sa pagiging bago at hindi pagbilang sa top 35 ng nakaraang season owners standings ng kanyang koponan, si Kevin ay nagwagi bilang NASCAR Busch Series Rookie of the Year na may tatlong panalo, walong pagtatapos sa top five at 16 na pagtatapos sa top ten. Noong July 29, 2000, nakamtan niya ang kanyang unang panalo sa Carquest Auto Parts 250 sa Gateway International Raceway. Siya din ay nagposte ng mga panalo sa Bristol Motor Speedway sa Food City 250 noong August 25, at sa Memphis Motorsports Park sa Sam's Town 250 noong October 29. Siya din ay umiskor ng dalawang pole positions at nagtapos na ikatlo sa Driver's Standings.
Noong 2001, si Kevin Harvick ay nagumpisang maging isang pundasyon sa industriya ng NASCAR hanggang sa ngayon, ng siya ay makipagkarera sa Winston Cup at Busch Series sa parehong season. Si Harvick ay nagposte ng limang panalo, dalawampung pagtatapos sa top five at 24 na pagtatapos sa top ten. Kanyang inangkin ang NASCAR Busch Series Championship sa parehong racetrack kung saan siya ay hindi pinayagan makasali sa upmisa ng 2000 season: ang North Carolina Speedway.
Noong 2002, si Kevin Harvick ay ginugol ang buong season sa pag-concentrate sa pagpapatakbo sa Cup Series at nagumpisa lamang ng apat na karera. Siya ay mayroon lamang na top ten sa unang apat na umpisa na iyon sa Texas Motor Speedway. Siya ay nagtapos bilang ika-64 sa Driver's Standings.
Noong 2003, Si Richard Childress ay pinagsama sina Kevin Harvick at Johnny Sauter, na pinalipat ni Richard mula sa #2 car pabor kay Ron Hornaday, Jr. na nagmamaneho ng #21 Hershey's sponsored PayDay car. Ang dalawa ay nagsanib para sa talong panalo, 16 na top-fives at 24 na top-tens, kung saan si Kevin ay nagposte ng lahat na tatlong panalo. Kanilang ibinigay kay Richard ang NASCAR Busch Series Owner's Championship noong season na iyon, samantala ang Driver's Championship ay napunta naman kay Brian Vickers. Iyon ang unang beses na ang championship ay nahati sa pagitan ng dalawang koponan, at sa kasalukuyan ito din ang huli. Si Kevin ang lumahok sa 19 na karera sa loob ng total na 34 na karera samantal si Johnny naman sa natitirang 15 na karera. Kapwa nila minaneho ang Payday sponsored car sa huling karera ng season sa Homestead-Miami Speedway sa Ford 300, kung saan minaneho ni Kevin ang #21 at #29 naman kay Johnny, isang regalong pasasalmat mula kay Richard Childress dahil sa Owner's Championship. Si Kevin ay umiskor din ng walong pole positions at nagtapos bilang ika-16 sa Driver's Standings.
Noong 2004, si Harvick ay muling ipinares sa isa pang mangangarera, ang baguhang si Clint Bowyer, habang si Johnny Sauter ang namahala sa #30 America Online NEXTEL Cup Series car para kay Richard Childress. Silang dalawa ay nagsanib pwersa at gumawa ng 1 panalo, 13 na top-fives at 20 na top-tens gamit ang #21 Hershey's sponsored Reese's Peanut Butter Cup car. Minaneho ni Kevin ang #29 EGSR/Coast Guard Busch Series car sa huling karera ng season sa Homestead-Miami Speedway sa Ford 300, na magiging dahilan upang kanyang angkinin ang kanyang ikalawang panalo para sa season na iyon. Siya ay nagtapos ng ika-20 sa Driver's Standings. Samantala ang #21 car ay nagtapos ng ika-4 sa Owner's Standings. Siya ay tumungo ng walang panalo sa Cup Series noong taon na iyon.
Noong 2005, si Harvick ay muling ipinares sa isa pang baguhan na si Brandon Miller, habang si Clint Boyer ang namahala sa #2 AC Delco Busch Series car na dating hinawakan ni Ron Hornaday, Jr. Si Harvick at Miller ay nagsanib para sa tatlong panalo, 15 na top 5 at 19 na top 10 upang ibigay sa #21 ang ikalawang 4th place na pagtatapos sa owner's standings. Minaneho din ni Kevin ang #29 Reese's Chocolate Lovers car papunta sa tagumpay sa unang "sweep" sa kanyang propesyonal na karera noong Lunes ng April 4, 2005, sa naantalang laban dahil sa ulan sa Food City 250 sa Bristol Motor Speedway kasama ang kanyang panalo sa Food City 500 bago ang araw na iyon, para bigyan siya ng rekord na tumabla sa ika-4 na panalo sa Busch Series (kasama si Morgan Shepard). Si Kevin ay nagtapos ng ika-18 sa Driver's Standings.
Noong 2006, si Kevin ay nagdesisyon na tumakbo ng full time sa NASCAR's top two series. Sa Busch Series, si Harvick ay nakatakdang lumaban sa 35 na karera, na may tatlong magkakaibang sasakyan (#21, #33, #29) at sa dalawang magkaibang koponan, ang koponan ng Richard Childress at ang kanyang sariling pag-aaring koponan, ang Kevin Harvick Incorporated. Si Harvick ay may siyam na panalo, 23 na top-five at 32 na top-ten. Kanyang nasungkit ang 2006 NASCAR Busch Series Championship noong October 13, 2006 sa Lowe's Motor Speedway sa Dollar General 300. Iyon ang pinakamaagang pagsungkit sa kampeonato sa Busch Series magpahanggang sa ngayon, kanyang nakamtan ang titulo ng may apat pang karera na nalalabi. Tinapos niya ang season na may rekord na 824 point margin sa final Standings.
Noong 2007, inumpisahan ni Harvick ang season sa pananalo sa Orbitz 300 sa Daytona, upang kanyang maangkin ang kanyang kauna-unahang panalo sa isang restrictor plate race at ang kanyang unang panalo sa new sponsor AutoZone sa NASCAR Busch Series competition. Kanya ding nakuha ang checkered flag sa New Hampshire International Speedway, ng siya ay manalo sa Camping World 200 na ipineresenta ng RVs. com. Kanyang napanalunan ang inaugural NAPA Auto Parts 200 sa Circuit Gilles Villeneuve.
Winston/NEXTEL Cup series
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ng dumating ang taon ng 2001, binalak ni Childress na hubugin si Harvick para sa Winston Cup Series (ngayon ay mas kilala na NEXTEL Cup) na may pitong karera sa isang America Online sponsored third car, ang numero 30. Binalak niyang palahukin si Harvick ng full schedule noong 2002. Nagbago ang mga plano n Childress ng si Dale Earnhardt ay aksidenteng namatay habang nasa final lap ng karera sa 2001 Daytona 500. Ipinalit ni Childress si Harvick sa nabakanteng pwesto ni Earnhardt.
Sa mga sumunod na dalawang karera, ang mga pangarerang sasakyan ay nagkaroon ng baliktad na itim at puting pattern sa pintura (ang dating itim ay naging puti, at ang dating puti ay naging itim), ang numero ay binago mula sa 3 ay naging 29, at ang mga pit crew ay nagsuot ng generic na uniform. Sa ikatlong karera noong season na iyon, ang kotse ay pininturahan ng puti at pula, habang si Harvick ay nag-suot ng kulay pula at puting uniform. Ang kanayang pit crew ay nagpatuloy na magsuot ng traditional GM Goodwrench Service Plus uniforms.
Noong March 11, 2001 sa Cracker Barrel Old Country Store 500, tatlong linggo pa lamang ang nakakalipas sa pagkamatay ni Earnhardt, si Harvick ay nanalo ng unang beses sa kanyang karera sa Winston/NEXTEL Cup sa kanyang ikatlong umpisa lamang sa Atlanta Motor Speedway. Siya ay nanalo sa karera ng six one-thousandths ng segundo lamang (.006), na isa sa mga malalapit na pagtatapos sa kasaysayn ng NASCAR simula pa noong ipatupad ang electronic scoring noong 1993. Pagkatapos manalo, si Harvick ay nagpakitang gilas sa paggawa ng tire-smoking burnout sa frontstretch habang ang kanyang tatlong daliri ay nakalabas sa driver's window.[2]
Itinala ni Harvick ang kanyang ikalawang panalo sa kanyang propesyonal na karera sa Winston Cup noong July 15, 2001 sa Chicagoland Speedway sa Joliet, Illinois. Sa bandang huli ng season, siya ay nagtapos na may dalwang panalo, anim na pagtatapos sa top five, at 16 na pagtatapos naman sa top ten. Si Harvick ay pinarangalan ng NASCAR Rookie of the Year award, at napagtibay ang ika-siyam na puwesto sa pagtatapos sa 2001 points standings. Siya din ay nanalo ng Busch Series championship, at naging unang driver na nanalo ng Busch Series Champion, habang lumahok ng full-time sa Winston Cup Series na may pagtatapos na kabilang sa top ten. Tinapos ni Harvick ang season ng may panalo sa anim na pole position, at nakilahok sa 70 na karera: 35 na Cup Series, isang NASCAR Nextel Cup All-Star Challenge Event, 33 na Busch Series na karera, at isang NASCAR Craftsman Series (sa Richmond International Raceway).
Inumpisahan ni Harvick ang 2002 season na may multa dahil sa isang insidente sa post race kasama si Greg Biffle sa Bristol Motor Speedway. Pagkatapos, siya ay sinuspinde dahil sa rough driving pagkatapos ng Craftsman Truck race sa Martinsville, Virginia. Si Harvick ay umiskor ng kanyang unang pole position sa kanyang propesyonal na karera sa Nextel Cup; ito ay sa Daytona International Speedway. Pagkatapos, sa season din na iyon, siya ay umiskor ng kanyang ikatlong panalo sa NEXTEL Cup, habang siya ay nagtapos ng una sa Chicagoland Speedway. Siya ay nagtapos bilang ika-21 sa 2002 points standings na may isang panalo, limang pagtatapos sa top five, at walong pagtatapos sa top ten. Si Harvick ay naging 2002 IROC Champion sa kanyang unang season sa series, ng siya ay manalo sa California Speedway.
Sa 2003 season, si Harvick ay nakigrupo kay crew chief Todd Berrier at nanalo sa Brickyard 400 sa Indianapolis noong August. Si Harvick at ang kanyang koponan ay tumalon mula sa ika-21 sa final 2002 points standings, papunta sa ika-5 sa 2003 standings, na nagmula sa 252 na puntos ni first place Matt Kenseth. Samantala habang walang panalos sa 2004 season, Si Harvick ay napunta sa ikatlong puwesto sa most popular driver voting, sumunod kay Jeff Gordon at ang panalo na si Dale Earnhardt Jr.
Noong 2005 season, si Harvick ay nanalo sa Food City 500 sa Bristol Motor Speedway, kahit na siya ay nag-umpisa sa bandang huli ng field. Si Harvick ay nanalo ng walang tulong mula kay crew chief Todd Berrier, na nasuspinde ng apat na linggo dahil sa hindi pagsunod sa mga alituntunin. Ng sumunod na taon, patuloy niyang minaneho ang #29 para sa Childress sa NEXTEL Cup Series. Dahil sa sitwasyong pinansiyal ng General Motors, ang GM Goodwrench ay nagbawas ng sponsorship, at sumama bilang primary sponsor para sa one-third ng schedule kasama ang Hershey's, na may ibat-ibang brand (karamihan ay Reese's) sa kotse.
2006 season
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong April 15, 2006 si Harvick ay nanalo ng kanyang unang Busch Series race para sa 2006 season. Sinundan niya ang panalo ng isang weekend sweep ng mga karera sa Busch Series at NEXTEL Cup sa Phoenix International Raceway. Kinalaunan sa season din na iyon, Si Harvick ay nanalo ng NEXTEL Cup race sa Watkins Glen International.
Noong September 9, 2006, Si Harvick, na nangangailangan lamang na magtapos sa ika-40 o mas mataas na puwesto para makakuha ng puwesto sa Chase, ay gumawa ng mas mainam ng kanyang unahan si Kyle Busch sa ikaapat na ikot papunta ng huling lap at pangalagaaan ang pangunguna para manalo sa Chevy Rock & Roll 400 sa Richmond International Raceway. Ito ang kanyang ikatlong panalo sa season, at ang kanyang ikalawang sweep sa season, pagkatapos manalo sa Emerson Radio 250 kinagabihan bago ang karera. Ito ang nagpahintulot kay Harvick, kasama ang kanyang kagrupo na si Jeff Burton, upang makamtan ang kanilang unang berth, at una rin para sa Richard Childress Racing, para sa Chase sa NEXTEL Cup. Noong September 17, 2006, habang nag-umpisa sa pole, si Kevin ay nanalo sa unang karera ng Chase sa New Hampshire International Speedway, sa Sylvania 300. Pinagharian niya ang karera at sa pananalo, ay nanguna sa point standings sa unang pagkakataon sa kanyang propesyonal na karera.
Si Harvick ay nagkaroon ng mababa sa standard na chase run, at bumaba sa ika-anim na puwesto sa point standings, hanggang sa siya ay matapos sa ikatlong puwesto sa Texas at sundan pa ng isang napakagandang panalo sa Checker Auto Parts 500 sa Phoenix International Raceway noong November 12, 2006, naging dahilan upang siya ay umakyat sa ikatlong puwesto sa point standings. Sa season finale sa Homestead-Miami Speedway, si Kevin ay nagtapos sa ika-5 puwesto at bumaba sa ika-apat sa final standings kay naging 2006 NASCAR Nextel Cup Series Champion na si Jimmie Johnson.
2007 season
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong 2007, ang koponan ay muling hinati ang primary sponsors, ang Hersheys ay sinamahan ng bagong primary sponsor na Shell at ng kanilang Pennzoil Brand.[3]. Noong Linggo ng February 18, 2007, sa season opening ng Daytona 500, kinuha ni Harvick ang kanyang unang panalo sa NASCAR Nextel Cup Series sa isang restrictor plate race sa isang madamdaming paglagpas sa final lap kay Mark Martin ng .020 segundo lamang sa isang pagtatapos sa green-white checkered flag, ang pinakamalapit na pagtatapos sa 500 simula pa noong inumpisahan ang electronic scoring noong 1993. Ang karera ay ginanap sa ika-anim na anibersaryo ng pagkamatay ng kanyang hinalinhan sa Richard Childress Racing, si Dale Earnhardt. Siya ay naging ika-apat na mangangarera sa NASCAR na ma-sweep ang kapwa Busch at Cup races sa unang linggo ng pagbubukas sa Daytona (kasama sina Bobby Allison (1988), Darrell Waltrip (1989), at Dale Earnhardt Jr. (2004) ). Si Harvick kasama si Benny Parsons, ay mayroon ding pinakakaunting bilang ng laps na pinangunahan ng isang Daytona 500 winner, na ginawa ni Benny Parsons noong 1975 (ang taon kung saan ipinanganak si Harvick) na may apat na laps. Siya ay nag-umpisa sa ika-34 (pinakamababang umpisa ng isang winner sa kasaysayan sa track), at naging ang unang Busch Series Champion na nanalo sa Daytona 500 sa sumunod na taon. Sa pananalo, si Harvick din ay naging ika-anim na mangangarera na manalo sa kapwa Daytona 500 at Brickyard 400 kasama sina Jeff Gordon, Dale Earnhardt, Dale Jarrett, Bill Elliott at Jimmie Johnson.[4][5]
Noong February 22, 2007, apat na araw matapos manalo ni Kevin sa Daytona 500 sa kanyang unang karera na ang Shell-Pennzoil ang pangunahing sponsor, ang may-ari ng koponan ni Harvick, ang Richard Childress Racing, ay sinabihan ng NASCAR na bawasan ang laki ng Shell logo sa fire suit ni Harvick at bagkus ay mag-suot ng mas prominenteng Pennzoil logo, upang bawasan ang potensiyal na kompetisyon sa SUNOCO. Sinabihan ng SUNOCO ang NASCAR na makipag-usap kay Richard Childress pagakatapos manalo ni Harvick sa kapwa Busch series at NEXTEL Cup Series races na suot ang prominenteng Shell logo sa kanyang fire suit.[6]
Ang 2007 season ni Harvick ay mayroong mga pagtaas at pagbaba, pumunta siya sa Lowe's Motor Speedway na umaasa na mapanalunan ang kanyang unang NEXTEL All-Star Challenge, gamit ang RCR car na ginawa at pinangkarera noong 2006 ngunit may GM RO7 engine na ikinabit para sa karerang ito. Siya ay nagtapos ng ikalawa noong 2006 kay Jimmie Johnson. Si Jimmie Johnson ay gumawa ng huling pagtatangka sa isang pass sa outiside sa ikatlo at ikaapat na turn sa loob ng karera, ngunit hinarangan ni Harvick si Johnson at iyon lamang ang kinailangan na gawin ni Kevin upang mapanalunan ang kanyang unang million dollar na tseke sa LOwe's. Ang total na napanalunan ni Kevin ay umabot sa $1,021,539. Sinabi niya na ibabahagi niya ang kanyang napanalunan sa kanyang crew.
Mga koponan na sinalihan ni Harvick
[baguhin | baguhin ang wikitext]NEXTEL Cup/Winston Cup
[baguhin | baguhin ang wikitext]Busch Series
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Richard Childress Racing- #2 ACDelco Chevrolet/ #29 GM Goodwrench/Sonic Drive-In/Rockwell Automation/Powerade/Reese's/Hershey's Chevrolet/ #21 AutoZone PayDay/Reese's/U.S. Coast Guard/Chevrolet
- Kevin Harvick Incorporated- #33 Outdoor Channel/Dollar General/RoadLoans.com Naka-arkibo 2011-01-02 sa Wayback Machine./Bounty Chevrolet/ #77 Dollar General Chevrolet
Truck Series
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Harvick Racing- #72 Chevrolet
- Kevin Harvick Incorporated- #6 Sonic Drive-In Chevrolet/ #92 GM Goodwrench/Yard-Man Chevrolet/ #2 Camping World Chevrolet
Tignan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Kevin Harvick Incorporated- A racing team owned by Kevin Harvick and his wife Delana.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 Harvick's Biography Naka-arkibo 2007-10-12 sa Wayback Machine. Retrieved on February 18, 2007
- ↑ JokBio: Kevin Harvick Biography. Hinango noong Pebrero 19, 2007
- ↑ http://www.nascar.com/2006/news/headlines/cup/10/07/kharvick_sponsor/index.html Naka-arkibo 2007-05-25 sa Wayback Machine.] [https://web.archive.org/web/20070929104425/http://jayski.com/schemes/2007/29cup.htm Naka-arkibo 2007-09-29 sa Wayback Machine.
- ↑ Cross' Words: Daytona Naka-arkibo 2007-10-14 sa Wayback Machine. Retrieved February 18, 2007
- ↑ Fryer, Jenna (2007-02-19). "Harvick edges Martin for Daytona 500 title". Associated Press. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2007-02-20. Nakuha noong 2007-02-19.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Harvick's Shell logos called into question Naka-arkibo 2007-02-24 sa Wayback Machine. SCENEDAILY (2007-02-22). Retrieved on February 23, 2007.
Mga kawing panlabas
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Racing-Reference Stats
- Kevin Harvick's official web site
- Richard Childress Racing's official web site
- Kevin Harvick's MySpace profile
- Coca-Cola Racing Family's Kevin Harvick profile Naka-arkibo 2007-05-17 sa Wayback Machine.
- Kevin Harvick - Bio, Stats, Images, Charts Naka-arkibo 2007-10-23 sa Wayback Machine.
Sinundan: Jeff Green |
NASCAR Busch Series Champion 2001 |
Susunod: Greg Biffle |
Sinundan: Matt Kenseth |
NASCAR Rookie of the Year 2001 |
Susunod: Ryan Newman |
Sinundan: Bobby Labonte |
IROC Champion IROC XXVI (2002) |
Susunod: Kurt Busch |
Sinundan: Martin Truex Jr. |
NASCAR Busch Series Champion 2006 |
Susunod: current |
Sinundan: Jimmie Johnson |
Daytona 500 winner 2007 |
Susunod: Current holder |