Pumunta sa nilalaman

Dalai Lama

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Khedrup Gyatso)
Ang Dalai Lama ng Tibet
Kanyang Kabanalan (Holiness)
Paghahari1391-
Tibetanཏཱ་ལའི་བླ་མ་
Wylie transliterationtaa la’i bla ma
Bigkastaːlɛː lama (IPA)
THDLDalai Lama
Pinyin ChineseDálài Lǎmā
Mga reinkarnasyon
Bahay MaharlikaDalai Lama
DinastiyaReinkarnasyon ni Chenresig Buddha at linyang Tulku

Ang Dalai Lama ng Tibet ay isang linya ng mga lider-ispiritwal ng paaralang Gelug ng Tibetanong Buddhismo at ang dating pinuno ng pamahalaan ng Tibet sa Lhasa sa pagitan ng ika-17 siglo at 1959. Karaniwang tinatawag ng kanyang mga tagasunod bilang "Kanyang Kadakilaan" (HIH) o "Kanyang Kadakilaan, ang Dalai Lama", maraming Tibetano ang tumatawag sa kanya sa mga palayaw na Yishin Norbu o "Mutyang tumutupad ng mga kahilingan" at Gyalwa Rinpoche o "Dakilang nagtagumpay". Ang Lama, na ang kahulugan ay guro, ay isang titulong ibinibigay sa mga taong may iba't ibang ranggo sa paaralang relihiyon ng Tibet.

Ang Dalai Lama ay pinaniniwalaang ang kasalukuyang reinkarnasyon ng mahabang linya ng mga Tulku, o Guro ng Buddhismo na hindi na saklaw ng gulong ng muling pagkabuhay, kamatayan at karma. Ang mga bumabang guro na ito, o mas kilala sa Mahayana bilang mga bodhisattva ay ang mga buddha na piniling bumalik sa buhay upang magligtas ng kapwa nilang naniniwala sa mga aral ni Buddha. Ang Dalai Lama, sa kasalukuyan, ay ang pang-seremonyal na pinuno ng Ipinatapong Pamahalaan ng Tibet sa Dharamsala, India.

Sa pagitan ng ika-17 siglo at 1959, ang Dalai Lama ang itinuturing na pinuno ng Pamahalaan ng Tibet na sumasaklaw sa punong kabisera ng Lhasa at ang maliliit na etnograpikong tribo sa paligid nito. Ang buong Tibet din na dating kontrol ng Dalai Lama ay nakatayo sa Talampas ng Tibet. Nang opisyal na sakupin ng Tsina ang bansa noong 1949, nabawasan ng kapangyarihan ang Dalai Lama. Noong 1959, palihim na binigyan ng dating punong ministro ng India na si Jawaharlal Nehru ang Dalai Lama ng isang piraso ng lupain sa estado ng Himachal Pradesh malapit sa paanan ng Himalayas. Ang lupang ito ay tinawag na Dharamsala. Sa kasalukuyan, kasamang naninirahan ng Dalai Lama ang iba pang lama ng Tibet at mga takas na Tibetano mula sa Tsina. Mula 1959, tinawag nang Xizang ang Tibet.

Ang salitang "Dalai" sa wikang Monggol ay nangangahulugang "karagatan" na siya namang katumbas ng pangalang "Gyatso" sa wikang Tibetano. Habang ang lama naman ay katumbas ng Sanskrit na guru, o gurong pang-ispirituwal.[1][2] Kung pagsasamahin ang dalawang termino, "Gurong Karagatan", ito ay tumutukoy sa isang master na ang kaalaman ay kasing-lalim ng isang dagat.

Naglalaman ang artikulong ito ng mga tekstong Tsino.
Kapag walang tamang suportang pampanitik, maari kang makakita ng mga tandang pananong, mga kahon, o ibang sagisag sa halip na mga karakter na Intsik.
Naglalaman ang artikulong ito ng mga tekstong Tibetano.
Kapag walang tamang suportang pampanitik, maari kang makakita ng mga tandang pananong, mga kahon, o ibang sagisag sa halip na mga karakter na Tibetano.
Kublai Khan

Noong 1252, pinagkalooban ni Kublai Khan si Drogön Chögyal Phagpa at si Karma Pakshi, ang ikalawang Karmapa suporta para sa pamumuno ng Tibet. Ngunit mas pinili ni Karma Pakshi ang suportang ibinigay ni Möngke Khan. Bago namatay si karma Pakshi noong 1283, sumulat siya ng isang testamento na nagpoprotekta sa interes ng suportang ito, o ang tinawag nilang black hat. Ayon sa kanya, ang mga matataas na monghe ng Tibet, o mga lama, ay kinakailangang humanap ng batang lalaking magmamana ng naturang "sumbrero". Ang kautusang ito ay batay sa turo ng Mahayana Buddhism na ang mga aral ng Budismo ay walang hanggan, at ang isang Buddha na hindi pa ganap ang pagliligtas sa sangkatauhan ay babalik at babalik muli sa daigdig bilang isang bodhisattva. Batay pa sa dokumentong ito, iniaatas ni Karma Pakshi sa mga budistang Mahayana ang pamamaraan ng paghahanap sa batang lalaking ito. Ang pangyayaring ito ang naging mitsa ng pagsisimula ng paghahanap ng linyang Black Hat, na siyang pundasyon ng Tibetanong Buddhismo sa panahon ng Dinastiyang Ming, ibinigay ni Emperador Yongle ang titulong Dakilang Prinsipe at Kayamanan ng Dharma, kung saan ang isa sa tatlong ito ay ibinigay naman sa Black hat Karmapa. Maraming sekta rin ng Mahayana Buddhism sa Tibet ang sumunod sa hiling na ito, ngunit apat lamang ang nagtagumpay na gumawa ng matatag na linya ng mga reinkarnasyon. Isa na rito ang sektang kinabibilangan ng Dalai Lama, ang Gelug.

Pag-iisa ng Tibet

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Tahanan ng Dalai Lama

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Palasyo ng Potala

Buhat sa Ikalimang Dalai Lama hanggang sa pagtakas ng Ikalabing-apat na Dalai Lama noong 1959, ang lahat ng mga Dalai Lama ay opisyal na nainirahan sa Palasyo ng Potala tuwing taglamig, at sa palasyo naman ng Norbulingka kung tag-araw. Ang mga palasyo ay parehong nakatayo sa Lhasa na may layong tatlong kilometro bawat isa.

Noong 1959 kasagsagan ng pananakop ng Tsina sa Tibet, tumungo ang Ikalabing-apat na Dalai Lama sa India upang humingi ng tulong. Ang punong ministro naman na si Jawaharlal Nehru ang naging instrumento upang magkaroon ng panahanan ang mga Tibetano at iba pang takas mula sa Tsina. Magsimula niyon, ang Dalai Lama at iba pang lama ay nanirahan na sa Dharamsala, estado ng Himachal Pradesh sa hilagang India. Dito na rin itinayo ang Gitnang Pamahalaan ng mga Tibetano o Central Tibetan Administration. Itinayo na rin dito ang mga tahanan at paaralan na eksklusibong nagtuturo ng wika at kulturang Tibetano.[3]

Talaan ng mga Dalai Lama

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa kasalukuyan, mayroong labing-apat na reinkarnasyon ang Dalai Lama:

Pangalan Larawan Buhay Itinanghal bilang Dalai Lama Namuno Tibetan/Wylie Transkripsiyon mula sa Tibetanong panulat Iba pang salin
1. Gendun Drup 1391–1474 N/A[4] དགེ་འདུན་འགྲུབ་
dge ‘dun ‘grub
Gêdün Chub (根敦朱巴) Gedun Drub
Gedün Drup
Gendun Drup
2. Gendun Gyatso 1475–1541 1492–1541[4] དགེ་འདུན་རྒྱ་མཚོ་
dge ‘dun rgya mtsho
Gêdün Gyaco (根敦嘉措) Gedün Gyatso
Gendün Gyatso
3. Sonam Gyatso 1543–1588 ? 1578–1588 བསོད་ནམས་རྒྱ་མཚོ་
bsod nams rgya mtsho
Soinam Gyaco (索南嘉措) Sönam Gyatso
4. Yonten Gyatso 1589–1616 ? 1601–1616 ཡོན་ཏན་རྒྱ་མཚོ་
yon tan rgya mtsho
Yoindain Gyaco (雲丹嘉措) Yontan Gyatso
5. Lobsang Gyatso 1617–1682 1618 1642–1682 བློ་བཟང་རྒྱ་མཚོ་
blo bzang rgya mtsho
Lobsang Gyaco (羅桑嘉措) Lobzang Gyatso
Lopsang Gyatso
6. Tsangyang Gyatso 1683–1706 1688 1697–1706 ཚངས་དབྱངས་རྒྱ་མཚོ་
tshang dbyangs rgya mtsho
Cangyang Gyaco (倉央嘉措)
7. Kelzang Gyatso 1708–1757 ? 1720–1757 བསྐལ་བཟང་རྒྱ་མཚོ་
bskal bzang rgya mtsho
Gaisang Gyaco (格桑嘉措) Kelsang Gyatso
Kalsang Gyatso
8. Jamphel Gyatso 1758–1804 1760 1762–1804 བྱམས་སྤེལ་རྒྱ་མཚོ་
byams spel rgya mtsho
Qambê Gyaco (強白嘉措) Jampel Gyatso
Jampal Gyatso
9. Lungtok Gyatso 1806–1815 1807 1810–1815 ལུང་རྟོགས་རྒྱ་མཚོ་
lung rtogs rgya mtsho
Lungdog Gyaco (隆朵嘉措) Lungtog Gyatso
10. Tsultrim Gyatso 1816–1837 1820 1822–1837 ཚུལ་ཁྲིམས་རྒྱ་མཚོ་
tshul khrim rgya mtsho
Cüchim Gyaco (楚臣嘉措) Tshültrim Gyatso
11. Khedrup Gyatso 1838–1856 1840 1844–1856 མཁས་གྲུབ་རྒྱ་མཚོ་
mkhas grub rgya mtsho
Kaichub Gyaco (凱珠嘉措) Kedrub Gyatso
12. Trinley Gyatso 1857–1875 1860 1873–1875 འཕྲིན་ལས་རྒྱ་མཚོ་
‘phrin las rgya mtsho
Chinlai Gyaco (成烈嘉措) Trinle Gyatso
13. Thubten Gyatso 1876–1933 1878 1895–1933 ཐུབ་བསྟན་རྒྱ་མཚོ་
thub bstan rgya mtsho
Tubdain Gyaco (土登嘉措) Thubtan Gyatso
Thupten Gyatso
14. Tenzin Gyatso Isinilang 1935 1937 since 1950
(kasalukuyang ipinatapon)
བསྟན་འཛིན་རྒྱ་མཚོ་
bstan ‘dzin rgya mtsho
Dainzin Gyaco ( 丹增嘉措) Tenzin Gyatso

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "The Institution of the Dalai Lama" by R. N. Rahul Sheel in The Tibet Journal, Vol. XIV No. 3. Autumn 1989, pp. 19-32 says on pp. 31-32, n. 1: "The word Dalai is Mongolian for "ocean", used mainly by the Chinese, the Mongols, and foreigners. Rgya mtsho, the corresponding Tibetan word, always has formed the last part of the religious name of the Dalai Lama since Dalai Lama II [sic – should read Dalai Lama III]. The expression Lama (Bla ma) means the "superior one". Western usage has taken it to mean the "priest" of the Buddhism of Tibet. The term Dalai Lama, therefore, means the lama whose wisdom is as deep, as vast and as embracing as the ocean."
  2. Art Hughes (2001-05-07). "The Thirteen Previous Dalai Lamas". Part of MPR's special report, Ocean of Wisdom: The Dalai Lama's Visit. Minnesota Public Radio. {{cite news}}: External link in |work= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Dispatches from the Tibetan Front: Dharamsala, India," Litia Perta, The Brooklyn Rail, 4 Abril 2008
  4. 4.0 4.1 Ang titulong "Dalai Lama" ay ipinagkaloob lamang pagkatapos ng unang dalawang Dalai Lama.