Kikoriki
Ang Kikoriki, na kilala sa Rusya bilang Smeshariki (Ruso: Смешарики), ay isang seryeng animasyon sa telebisyon na nagmula sa Rusya na binubuo ng 209 kabanata na tumatagal ng 6 minuto at 30 segundo bawat isa, na tinatarget ang mga bata na 3 hanggang 8 taon. Pinalabas ang unang kabanata sa Rusya noong 17 Mayo 2004. Nakuha ang mga karapatan ng pamamahagi sa wikang Ingles ng serye ng 4Kids Entertainment mula sa internasyunal na namamahagi na Fun Game Media, Munich at nagsimulang pagsasahimpapawid bilang bahagi ng Block CW4Kids sa The CW noong 13 Setyembre 2008, sa ilalim ng pangalang GoGoRiki.[1] Nagsimula ang GoGoRiki sa ikalawang season nito sa Estados Unidos noong 22 Agosto 2009. Gumagawa din ang Fun Game Media ng isang Europeong bersyon, na nagsimula sa pagsasahimpapaw sa KI.KA noong 8 Disyembre 2008.[2][3]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "4Kids announces fall 2008 Lineups for Fox and The CW" (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 4 Enero 2009. Nakuha noong 2008-09-05.
{{cite web}}: Unknown parameter|deadurl=ignored (|url-status=suggested) (tulong) - ↑ Fun Game Media: News Naka-arkibo 2008-09-20 sa Wayback Machine.. Hinango noong 7 Disyembre 2008 (sa Ingles).
- ↑ KI.KA. Sendungen von A-Z. "KIKORIKI" Naka-arkibo 2012-09-04 at Archive.is. Hinango noong 7 Disyembre 2008 (sa Ingles).
