Kilusang Mayo Apat

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search

 

Kilusang Mayo Apat
Tradisyonal na Tsino 五四運動
Pinapayak na Tsino 五四运动
Kahulugang literal 5-4 Kilusan
Nagprotesta ang mga estudyante sa Beijing noong Kilusang Mayo Apat.

Ang Kilusang Mayo Apat ay isang kilusang antiimperyalista, kultural, at politikal ng Tsina na umusbong sa mga protesta ng mga estudyante sa Beijing noong Mayo 4, 1919.

Bilang pagganti sa mahinang tugon ng gobyerno ng China sa Kasunduan sa Versailles, nagprotesta ang mga estudyante laban sa desisyon ng gobyerno na payagan ang Hapon na panatilihin ang mga teritoryo sa Shandong na isinuko ng Alemanya pagkatapos ng Pagkubkob sa Tsingtao noong 1914. Ang mga demonstrasyon ay nagbunsod ng mga protesta sa buong bansa at nag-udyok ng pagsulong sa nasyonalismong Tsino, isang paglipat tungo sa pampulitikang mobilisasyon, isang paglipat palayo sa mga aktibidad na pangkultura, isang paglipat patungo sa isang populistang base, at isang paglipat mula sa tradisyonal na intelektuwal at pampulitika na mga naghaharing-uri.

Ang Pagkubkob sa Tsingtao ay isang antipiyudal na kilusan sa anyo ng pagsasama-sama ng bago at lumang ideya, at isinagawa nang hakbang-hakbang, hindi magdamag. Gaya ng sinabi ng propesor ng Wesleyan University na si Vera Schwarcz: "Sa simula ng Kilusang Mayo Apat, nakita pa rin ng 'bagong kabataang' nagsariling-aral ang kanilang sarili sa mga tuntunin ng isang tradisyonal na modelo".[1] Maraming mga radikal, politikal, at panlipunang pinuno ng susunod na limang dekada ang lumitaw sa panahong ito. Sa isang mas malawak na kahulugan, ang terminong "Kilusang Mayo Apat" ay minsan ginagamit upang tumukoy sa panahon noong 1915 – 1921 na mas madalas na tinatawag na "Bagong Kilusang Pangkultura".

Kalagayan[baguhin | baguhin ang batayan]

 

"Ang kalagayan at pampolitikang karamdanag lumitaw noong 1919," sa mga salita ng istoryador ng Unibersidad ng Oxford na si Rana Mitter, "ay nasa gitna ng isang hanay ng mga ideya na humubog sa napakahalagang ikadalawampu siglo ng Tsina."[2] Ang dinastiyang Qing ay nagkawatak-watak noong 1911, na minarkahan ang pagtatapos ng libo-libong taon ng paghahari ng imperyal sa Tsina, at ayon sa teorya ay naghatid ng isang bagong panahon kung saan ang kapangyarihang pampulitika ay nakasalalay sa mga mamamayan. Gayunpaman, ang China ay naging isang pira-pirasong bansa na pinangungunahan ng mga warlord, na higit na nagtutuon sa kapangyarihang pampolitika at mga hukbong panrehiyon kaysa sa pambansang interes. Pagkaraang mamatay si Yuan Shikai noong 1916, ang gobyerno sa Beijing ay nakatuon sa pagsugpo sa panloob na tunggalian at kaunti lamang ang magagawa upang kontrahin ang impluwensiya at kontrol ng dayuhan.[3] Ang paglagda ni Premyer Duan Qirui ng Tsina sa lihim na Kasunduang Magkasanib Pantanggulang Sino-Hapones noong 1918 ay nagpagalit sa publikong Tsino nang ito ay ilabas sa pamamahayag, at nagpasiklab ng isang kilusang protesta ng mga mag-aaral na naglatag ng batayan para sa Kilusang Mayo Apat.[4] Ang Kilusang Marso 1 sa Korea noong 1919, ang Rebolusyong Ruso noong 1917, ay nagpatuloy sa pagkatalo ng mga dayuhang kapangyarihan at ang pagkakaroon ng mga ispero ng impluwensiya lalong nagpaalab sa nasyonalismong Tsino sa mga umuusbong na panggitnang uri at mga pinuno ng kultura.[5]

Naniniwala ang mga pinuno ng Bagong Kilusang Pangkultura na ang mga tradisyonal na halaga ng Confucio ay may pananagutan sa kahinaan sa pulitika ng bansa.[6][7] Nanawagan ang mga nasyonalistang Tsino ng pagtanggi sa mga tradisyonal na pagpapahalaga at pag-ampon ng mga ideyang Kanluranin ng "G. Agham" (賽先生; 赛先生; sài xiānsheng) at "G. Demokrasya" (德先生; dé xiānsheng) sa halip na "G. Confucio" upang palakasin ang bagong bansa. [8] Ang mga iconoclastic at antitadisyonal na pananaw at programang ito ay humubog sa pulitika at kultura ng China hanggang sa kasalukuyan. [9]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

 

  1. Schwarcz, Vera (1986). The Chinese Enlightenment: Intellectuals and the Legacy of the May Fourth Movement of 1919 (sa Ingles). University of California Press. pa. 9–11. ISBN 978-0-520-06837-7.
  2. Mitter, R. A Bitter Revolution: China's Struggle with the Modern World (2004), p.12
  3. Rana Mitter. A Bitter Revolution: China's Struggle with the Modern World. (Oxford; New York: Oxford University Press, 2004), p. 12.
  4. Sugano, Tadashi (1986). "日中軍事協定の廃棄について" [On the scrapping of the Sino-Japanese military agreements] (PDF). Nara Journal of History (sa Hapones). 4 (12): 34.
  5. Rana Mitter. A Bitter Revolution: China's Struggle with the Modern World. (Oxford; New York: Oxford University Press, 2004), p. 12.
  6. Joseph T. Chen, The May Fourth Movement in Shanghai; the Making of a Social Movement in Modern China (Leiden,: Brill, 1971)
  7. Leo Ou-fan Lee, Voices from the Iron House: A Study of Lu Xun (Bloomington: Indiana University Press, 1987), pp 53-77; 76-78.
  8. Jonathan D. Spence. The Gate of Heavenly Peace: The Chinese and Their Revolution, 1895-1980. (New York: Viking Press, 1981), pp. 117-123 ff..
  9. The Cambridge History of Chinese". John King Fairbank, Denis Crispin Twitchett, p.451

Mga panlabas na link[baguhin | baguhin ang batayan]