Kim Ah-joong
Kim Ah Joong | |
---|---|
Kapanganakan | 16 Oktubre 1982[1]
|
Mamamayan | Timog Korea |
Nagtapos | Unibersidad ng Korea |
Trabaho | artista, artista sa pelikula, mang-aawit, modelo |
Si Kim Ah-joong (ipinanganak Oktubre 16, 1982) ay isang artista, modelo at mang-aawit mula sa bansang Timog Korea. Nagtapos siya ng kanyang digri ng master sa pamamahayag sa Unibersidad ng Korea.[2] Unang lumabas si Kim sa pelikulang When Romance Meets Destiny (2005).
Lumabas siya sa ilang mga patalastas at ang una niyang pagganap bilang panguhaing tauhan ay sa Koreanovelang Bizarre Bunch.[3] Nagkaroon siya ng pambihirang tagumpay sa pelikulang komedya na 200 Pounds Beauty, kung saan gumanap siya bilang isang babaeng labis ang bigat na sumailalim sa pag-operang kosmetiko upang magkaroon ng malawak na pagkilala. Naparangalan siya ng Pinakamahusay na Aktres sa 2007 Grand Bell Awards. Naglabas siya ng mga soundtrack para sa pelikula, ang "Beautiful Girl" at ang bersyong Koreano ng awiting "Maria". Nanalo ang "Beautiful Girl" sa Digital Music Awards ng "Awit ng Buwan." [4]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Internet Movie Database (sa wikang Ingles), nm2098258, Wikidata Q37312, nakuha noong 13 Hulyo 2016
{{citation}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Kim A-joong Receives Master's Degree from Korea University". The Chosun Ilbo (sa wikang Ingles). 6 Enero 2011.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Kim A-joong Brings Living Beauty to Barbie Exhibition". The Chosun Ilbo (sa wikang Ingles). 9 Disyembre 2005.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Propelled to the Top by 200 Pounds". The Chosun Ilbo (sa wikang Ingles). 13 Enero 2007.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.