Unibersidad ng Korea
Ang Unibersidad ng Korea (Ingles: Korea University, KU, Koreano: 고려대학교; Hanja: 高麗大學校; RR: Goryeo Daehakgyo) ay isang pribadong unibersidad para sa pananaliksik sa Seoul, Timog Korea.
Itinatag noong 1905, ang Unibersidad ng Korea ay isa sa mga pinakamatanda at pinakakilalang mga institusyon ng mas mataas na edukasyon sa bansa. Ito ay itinuturing na isa sa mga SKY universities, na kilala para sa pagiging isa sa mga pinakamahusay na unibersidad sa Korea. Ang katawan ng mag-aaral ay binubuo ng higit sa 20,000 undergraduate at higit sa 10,000 mga graduate students. Ang disiplinal na lawak ng unibersidad ay binubuo ng 81 kagawaran sa 19 kolehiyo at mga dibisyon, pati na rin ng 18 paaralang gradwado. Ito ay may higit sa 1,500 full-time na miyembro ng fakultad kung saan higit sa 95% ng mga ito na merong Ph.D. o katumbas na kwalipikasyon sa kanilang larangan.[1] Ang Korea University Alumni Association ay binubuo ng higit sa 280,000 mga nagtapos sa unibersidad.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]37°35′21″N 127°01′57″E / 37.5892°N 127.0325°E Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.