Pumunta sa nilalaman

King of Baking, Kim Tak Goo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
King of Baking, Kim Tak Goo
UriRomance, Melodrama
GumawaKorean Broadcasting System
Isinulat ni/ninaKang Eun Kyung
DirektorLee Jung Sub
Pinangungunahan ni/ninaYoon Si Yoon
Joo Won
Lee Young Ah
Eugene
Bansang pinagmulanTimog Korea
Bilang ng kabanata30
Paggawa
Oras ng pagpapalabasMiyerkules at Huwebes, 9:55 pm Oras ng Korea
Pagsasahimpapawid
Orihinal na himpilanKBS2
Orihinal na pagsasapahimpapawid9 Hunyo (2010-06-09) –
16 Setyembre 2010 (2010-09-16)
Kronolohiya
Sumunod saCinderella's Sister
Sinundan ngFugitive

Ang King of Baking, Kim Tak Goo (Hangul: 제빵왕 김탁구 Jeppangwang Kim Tak-Gu) ay isang palabas sa telebisyon sa Timog Korea, na inere ng Korean Broadcasting System (KBS) mula 9 Hunyo 2010 hanggang 16 Setyembre 2010. Ito ay kuwento ng isang determinadong batang panadero kung paano siya nagtagumpay bilang pinakamagaling sa buong Korea sa kabila ng mga matinding pagsubok at paghihirap. Ang kaniyang kuwento ay sumakop ng 1970 hanggang sa mga 1990, simula sa nakaraan ng kaniyang nanay, sa kaniyang pagkabata, hanggang sa pagtanda at tagumpay.

Kasalukuyang pinapalabas ito sa Pilipinas sa GMA-7 bilang Baker King.

Si Kim Tak-gu ay ang panganay sa mga anak ni Gu Il Jong, ang pinuno ng Geosung Food Enterprise, na isa sa pinakatanyag na kompanya ng tinapay sa bansa. Bagaman siya ay napakahusay na panadero at kinikitaan siya bilang magiging susunod na pinuno ng kompanya, gumawa ng hakbang ang pamilya ni Gu Il Jong para pabagsakin siya dahil anak siya sa labas. Ngunit ang determinasyon ni Takgu na maging pinakatanyag sa industriya ng tinapay sa bansa ang nagdala sa kaniya upang maitayo muli niya ang kaniyang career sa kabila ng maraming pagsubok sa buhay.


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.