Kirot

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Tungkol ang artikulong ito sa sakit bilang negatibong pansariling karanasan ng hapdi. Para sa mas malawak na konsepto, tingnan ang paghihirap o pasakit. Para sa terminong sakit ng medisina, tingnan ang karamdaman.

Sang-ayon sa Pandaigdigang Samahan para sa Pag-aaral ng Hapdi (International Association for the Study of Pain, IASP), makikita ng isang indibiduwal ang pagkakaiba ng sakit o hapdi at ng nosisepsyon. Isang pansariling karanasan ang sakit na kasama ng nosisepsyon, ngunit maaaring mangyari ng walang kahit anong estimulo. Kabilang dito ang emosyonal na pagtugon. Isang kataga sa neyuropisyolohiya ang nosisepsyon na pinapaalam ang isang aktibidad sa mga daanan ng nerb. Nagpapadala ng mga di-kaayaayang senyas ang mga daanang ito na hindi palaging masakit. Bagaman maaaring kasama ng sakit ang pagkawasak ng tisyu o pagkamaga, kadalasang hindi ganito ang kaso.

Kilala rin ang hapdi, ayon sa pakiramdam, bilang sigid, kirot,[1] antak. Kaugnay ng emosyon, nilalarawan ang hapdi bilang kalbaryo, paghihirap, kalungkutan, pagdurusa, pighati, sakripisyo, lumbay, ligalig, pitipit, linggatong, o kagulumihanan ng isip, kabuwisitan, pasangkrus.[2]

Partikular na tumutukoy ang kirot, ache sa Ingles, sa minsang tuluy-tuloy na pumipitlag o sumisikdo ngunit malamlam o maandap na hapdi. Sa ganitong kalagayan ng kahapdian, karaniwang may pangkalahatang paghapdi ng lahat ng mga masel pagkalipas halimbawa ng pag-eehersisyo (kung matagal na napahinga musa sa pagsasanay). Kahalintulad din ang ganitong mga hapding nararanasan ng may karamdamang rayuma sa masel. Sa ganitong mga kaso, kadalasang nakapagbibigay ng lunas ang masahe o paghilot.[3]

Kabilang sa mga uri ng pananakit ng katawan ang pananakit ng likod, sakit ng ulo, at sakit ng ngipin.[3] Mayroong dalawang klase ng pagpapahupa ng kirot, gamit ang natural na panlunas (gaya ng damong-gamot o langis na pamahid[4]) o kemikal na mga gamot. Ilan sa mga natural na panlunas sa kirot ay ang capsaicin ng sili, luya, kratom[5], at turmeric.[6]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. Blake, Matthew (2008). "Ache". Tagalog English Dictionary-English Tagalog Dictionary. Bansa.org.  External link in |title= (help)
  2. Gaboy, Luciano L. Ache - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com. 
  3. 3.0 3.1 Robinson, Victor, Ph.C., M.D. (patnugot) (1939). "Ache". The Modern Home Physician, A New Encyclopedia of Medical Knowledge. WM. H. Wise & Company (New York). , pahina 11.
  4. Donna. "CBD Oils For Pain." CBDforSure. Hinango noong 17 Oktubre 2018.
  5. Anon. "Kratom." Exit-5. Hinango noong 03 Oktubre 2018.
  6. Bhatia, Juhie. "Herbal Remedies for Natural Pain Relief." Everyday Health. Hinango noong 03 Oktubre 2018.