Kolehiyong Bard ng Berlin
Ang Kolehiyong Bard ng Berlin (dating kilala bilang ECLA o Europeong Kolehiyo ng Malalayang Sining) ay isang pribado, 'di-kumikitang institusyon ng mas mataas na edukasyon sa Berlin, Alemanya. Ito ay itinatag bilang isang 'di-kumikitang asosasyon noong 1999. Ang mga mag-aaral at guro ay nagmula sa buong mundo at ang wika ng pagtuturo ay Ingles. Ang mga kuwalipikadong estudyante ay nakakakuha ng parehong Amerikanong BA at Aleman na BA.[1]
Academiko
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga programang pang-akademiko
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa Kolehiyong Bard ng Berlin, ang mga mag-aaral ay maaaring mag-enroll sa isang BA degree, o sa isang semestre o isang taong programa na angkop sa kanilang profile, background, at indibidwal na layunin ng pag-aaral. Sinusuportahan ng kolehiyo ang mga pagkakataon sa internship at praktikal na pagsasanay, at may maraming itinatag na ugnayan sa intelektuwal at kultural na buhay ng Berlin. Ang mga programang pang-akademiko na kasalukuyang inaalok ay Bachelor of Arts in Humanities, the Arts, at Social Thought; Bachelor of Arts in Economics, Politics, at Social Thought; Taon ng Akademya; Taon ng Proyekto; Sining at Lipunan sa Berlin; LAB Berlin; at Magsimula sa Berlin. Tuwing tag-araw ang mga sumusunod na programa ay inaalok: Summer Theater Intensive, Summer Language Intensive, at Berlin Summer Studio.