Komisyon sa mga Panagot at Palitan
Itsura
(Idinirekta mula sa Komisyon ng Paseguro at Palitan (Pilipinas))
Securities and Exchange Commission | |
Buod ng Ahensya | |
---|---|
Pagkabuo | 26 Oktubre 1936 |
Kapamahalaan | Pamahalaan ng Pilipinas |
Punong himpilan | Secretariat Building, PICC Complex, Roxas Boulevard, Pasay City, 1307 |
Tagapagpaganap ng ahensiya |
|
Pinagmulan na ahensiya | Malayang komisyon |
Websayt | www.sec.gov.ph |
Ang Komisyon sa mga Panagot at Palitan o SEC (Ingles: Securities and Exchange Commission) ay isang malayang estadong komisyon ng Pilipinas na tumutugon ukol sa mga batas para sa mga paseguro at namamahala sa industriyang ito. Ito ay isang ahensiya na nasasaklawan ng Kagawaran ng Pananalapi ng Pilipinas. Sa kasalukuyan, ang himpilan ng SEC ay nasa Lungsod ng Pasay, Kalakhang Maynila.
Mga gawain
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang mga gawain ng SEC ay nakasaad sa Seksiyon 5 ng Kodigo sa Regulasyon sa mga Panagot, at kabilang ang mga pangunahing tadhana:
- Nangangasiwa sa lahat ng mga nakatalang entidad ng ngeosyo sa bansa, kabilang ang mga pagkakabinbin at pagpapawalang-bisa ng kanilang pagpapatala.
- Gumagawa ng tuntunin tungod sa pamilihan sa mga paseguro
- Naghahawak at nagpapatibay ng mga pahayag ng nagpatala ng mga paseguro
- May kapangyarihan na magsiyasat ng mga paglabag sa mga batas ng mga paseguro at ipataw ng mga pag-ayuda ukol sa mga paglabag nito.
- May kapangyarihan na magpalabas ng mga subpoena, parusa ukol sa pag-aalimura, at magpalabas ng mga kautusang paglikat at pagpigil sa pagtataguyod ng kanyang misyon sa pagpapatupad ng batas.