Bulebar Roxas

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Roxas Boulevard)
Jump to navigation Jump to search

AH26 (N120) sign.svgN61 (Philippines).svg
Roxas Boulevard

Bulebar Roxas
Roxas Boulevard
Tanawing panghimpapawid ng Bulebar Roxas sa Maynila, kasama ang Look ng Maynila.
Impormasyon sa ruta
Pinangangasiwaan ng Kagawaran ng Pagawaing Bayan at Lansangan (DPWH)[1][2]
Haba7.6 km (4.7 mi)
mula sa Google Earth
Bahagi ng
  • R-1 R-1
  • AH26 / N120 (Abenida Padre Burgos - EDSA)
  • N61 (EDSA - Daang NAIA)
PagbabawalBawal ang mga trak, trailer, at bus mula Abenida Padre Burgos/Katigbak Parkway hanggang Abenida Gil Puyat.
Pangunahing daanan
Dulo sa hilaga N150 (Abenida Padre Burgos) sa Ermita[3][4]
 
Dulo sa timog E3 (Manila–Cavite Expressway) at N194 (Daang NAIA) sa Parañaque
Lokasyon
Mga pangunahing lungsodMaynila, Pasay, Parañaque
Sistema ng mga daan
Mga daanan sa Pilipinas

Ang Bulebar Roxas [A], o higit na kilala bilang Roxas Boulevard (dating tinagurian bilang Bulebar Dewey o Dewey Boulevard), ay isang kilalang pasyalan (promenade) sa Maynila, ang kabisera ng Pilipinas. Dumadaan ito sa mga dalampasigan ng Look ng Maynila. Kilala ito sa mga paglubog ng araw (sunsets) nito at hanay ng mga punong niyog. Naging tatak ng turismong Pilipino ang bulebar na kilala rin sa mga lugar tulad ng Manila Yacht Club, mga otel, restoran, gusaling pangkomersyo, at liwasan.

Ang bulebar ay isa ring mahalagang daang arteryal sa Kalakhang Maynila na may walong landas. Dumadaan ang paarkong daan sa direksyong hilaga-patimog mula Luneta sa Maynila hanggang Parañaque sa sangandaan nito sa Daang NAIA at NAIA Expressway.[5] Paglampas ng katimugang dulo nito, tutuloy ang Bulebar Roxas patungong Las Piñas at Kabite bilang Manila–Cavite Expressway, na kilala rin bilang Coastal Road o CAVITEX. Tinaguriang isa sa mga pinakamahalagang lansangan sa Kalakhang Maynila ang Bulebar Roxas.

Dati itong tinawag na Cavite Boulevard,[6] at lumaon ay pinangalanang Dewey Boulevard bilang pagkilala sa Amerikanong Admiral na si George Dewey, na sa ilalim ng kanyang utos ay natalo ang Hubkong Dagat ng mga Kastila sa Labanan sa Look ng Maynila noong 1898. Ang bulebar ay muling pinangalang Heiwa Boulevard noong huling bahagi ng 1941 sa ilalim ng panahon ng pananakop ng mga Hapon, at Roxas Boulevard noong dekada-60 bilang pagkilala kay Pangulong Manuel Roxas, ang ikalimang pangulo ng Republika ng Pilipinas.

Kasaysayan[baguhin | baguhin ang batayan]

City Beautiful movement (Kilusang Pagpapaganda ng Lungsod)[baguhin | baguhin ang batayan]

Bulebar Roxas noong itinatayo pa ito, 1912.

Ang Cavite Boulevard ay bahagi ng plano ni Arkitekto Daniel Burnham na pagandahin ang lungsod ng Maynila.[7] Sa kahilingan ni Commissioner William Cameron Forbes, dinalaw ni Burnham ang bansa noong 1905 sa kasagsagan ng City Beautiful movement, isang pagkahilig noong unang bahagi ng 1900 sa Amerika na pagandahin ang mga lungsod, upang pagandahin ang at isaayos ang pagpaplanong urban ng Maynila at Baguio.[8]

Kamakailang kasaysayan[baguhin | baguhin ang batayan]

Noong madaling-araw ng Hunyo 23, 2019, bumigay ang isang bahagi ng daang serbisyo (service road) ng Bulebar Roxas dahil sa pagdaan ng isang 14-wheeler na trak na may dalamg tone-toneladang buhangin na gagamitin sa proyektong pagsasaayos ng Look ng Maynila. Ayon sa drayber, buhat sila ng Pampanga at dumaraan sila sa bulebar upang ihatid ang buhangin, ngunit tinuruan sila ng mga nagpapatupad ng trapiko na dumaan sa daang serbisyo sapagkat nakasara ang lansangan upang mabigyang-daan sa Manila Marathon 2019. Lumikha ang pagbigay ng limang-talampakang butas sa daan kaya pansamantalang isinara sa trapiko ang panulukan ng bulebar sa Kalye Remedios. Hindi lubhang nasugatan ang drayber at kaniyang dalawang mga pahinante. Napag-alamang bumigay ang kahong alkantarilya (box culvert) na mula pa noong dekada-1970 dahil sa bigat ng trak, kung kaya bumigay ang bahaging iyon ng daang serbisyo, taliwas sa naunang paglalarawan na isa itong sinkhole. Inatasan ni Kalihim Mark Villar ng DPWH ang Tanggapang Inhinyero ng Distrito ng Timog Maynila upang magsagawa ng isang imbestigasyon ukol sa naganap na sakuna. Aabot sa isa o dalawang linggo ang haba ng panahon ng pagpapaayos sa bumigay na bahagi ng lansangan, ayon sa DPWH.[9][10]

Paglalarawan ng ruta[baguhin | baguhin ang batayan]

Bulebar Roxas malapit sa Embahada ng Hapon sa Pasay, sa gabi.

Nagsisimula ang Bulebar Roxas sa Liwasang Rizal bilang pisikal na karugtong ng Daang Bonifacio. Dumadaan ito sa maraming mga matataas na gusali, restoran, bangko, bantayog, at iba pang mga establisimiyento. Makikita rin ang tanggapan ng Embahada ng Estados Unidos sa lugar na ito. Matatagpuan sa distrito ng Malate ang punong-tanggapan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at Philippine Navy. Pagkaraan ng gusali ng BSP, papasok sa Pasay ang bulebar at dadaan sa Hugnayan ng CCP at Star City. Babagtasin naman nito ang Abenida Gil Puyat, kung saang aakyat ito sa Gil Puyat flyover. Magiging kalinya nito ang Bulebar Diosdado Macapagal. Aakyat muli ito upang matumbok ang EDSA gamit ang flyover ng kaparehong pangalan. Ilang metro pagkaraan ng EDSA, papasok ito sa Parañaque at tutuloy sa deretsong ruta hanggang sa isang bagtasan sa NAIA Expressway, kung saang tutuloy ang bulebar bilang Manila–Cavite Expressway (CAVITEx) na tinatawag ding Coastal Road.

Mga bilang ng ruta[baguhin | baguhin ang batayan]

Bahaging N61 ng Bulebar Roxas sa Pasay, malapit sa Daang NAIA.

Sa ilalim ng sistema ng daang arteryal ng Kalakhang Maynila, ang Bulebar Roxas ay isang bahagi ng Radial Road 1 (R-1) na nag-uugnay ng pusod ng Maynila sa mga lungsod ng Pasay at Parañaque.

Alinsunod sa makabagong pamilang batay sa sistema ng lansangang bayan sa Pilipinas, ang bahaging EDSA-Daang NAIA/CAVITEx ay itinakda bilang isang pambansang daang primera na may bilang ng ruta na Pambansang Ruta Blg. 61 (N61). Samantala, ang nalalabing bahagi ng bulebar - ang karamihang bahagi nito mula Abenida Padre Burgos hanggang EDSA, ay isang bahagi ng pambansang daang sekundarya na Pambansang Ruta Blg. 120 (N120).[11]

Mga sangandaan[baguhin | baguhin ang batayan]

Bulebar Roxas sa may Liwasang Rizal. Narito ang Kilometro sero ng mga lansangang bayan sa Luzon.
Sangandaan ng Bulebar Roxas at EDSA, kasama ang EDSA Flyover.

Nakabilang ang mga sangandaan ayon sa mga palatandaang kilometro, itinakda ang Liwasang Rizal bilang kilometro sero. Hindi tuluy-tuloy ang pagbibilang ng kilometro. 

LalawiganLungsod/Bayankm[1][2]miMga paroroonanMga nota
Pasay7.4444.625 E3 (CAVITEx) / N194 (Daang NAIA) / Seaside DriveKatimugang dulo.
6.5464.067Abenida Aseana
6.3483.944 N192 (Abenida Andrews)
6.0993.790Abenida Bradco
5.8113.611Daang Redemptorist
Katimugang dulo ng EDSA Flyover
5.2563.266 N1 / AH26 (EDSA)
Hilagang dulo ng EDSA Flyover
4.1912.604Abenida ArnaizPahilagang daan lamang. Patimog na daan ay sa pamamagitan ng U-turn slot sa ilalim ng EDSA Flyover
Katimugang dulo ng Gil Puyat Flyover
4.4692.777 N190 (Abenida Gil Puyat)
Hilagang dulo ng Gil Puyat Flyover
Maynila2.5811.604Kalye Pablo Ocampo
2.1211.318 N140 (Abenida Quirino)
2.3491.460Kalye San Andres
Kalye Remedios
1.0620.660Kalye Pedro Gil
Kalye Padre Faura
N156 (Abenida ng United Nations)
N155 (Abenida Kalaw)
0.0000.000Kilometro sero. (Babalik ang bilang ng kilometro)
0.2050.127 N150 (Abenida Padre Burgos)Hilagang dulo.
1.000 mi = 1.609 km; 1.000 km = 0.621 mi
  •       Hindi kumpletong access

Mga imahe[baguhin | baguhin ang batayan]

Tingnan din[baguhin | baguhin ang batayan]

Talababa[baguhin | baguhin ang batayan]

Talasanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. 1.0 1.1 "South Manila". DPWH Road Atlas. Department of Public Works and Highways. Hinango noong 12 Disyembre 2015.
  2. 2.0 2.1 "Metro Manila 2nd". DPWH Road Atlas. Department of Public Works and Highways.
  3. "Manila map". University of Texas at Austin Library. Retrieved on 2011-06-05.
  4. "Rizal Park-Manila Map". Google Maps. Retrieved on 2011-06-05.
  5. "Intersection of Roxas Blvd. and NAIA Rd". Google Maps. Hinango noong 5 Hunyo 2011.
  6. "United States Congressional serial set, Issue 5280 - Act no. 1745, Section 2a", pg. 417. Government Printing Office, Washington.
  7. (1910). "Report of the Philippine Commission to the Secretary of War", pg.68. Government Printing Office, Washington.
  8. (1907-03). "Far Eastern Review - Details and Description of the Burnham Plans for the Reconstruction of Manila", pg.322. Google Books. Retrieved on 2012-04-13.
  9. Edera, Erma; De Vera-Ruiz, Ellalyn (Hunyo 23, 2019). "No sinkhole on Roxas Boulevard – officials". Manila Bulletin. Hinango noong Hunyo 28, 2019.
  10. Unite, Betheena (Hunyo 26, 2019). "Repair of collapsed road on Roxas Blvd. to start in 1 to 2 weeks — DPWH". Manila Bulletin. Hinango noong Hunyo 29, 2019.
  11. "South Manila". Department of Public Works and Highways. Hinango noong 26 Agosto 2018.

Mga ugnay panlabas[baguhin | baguhin ang batayan]