Pumunta sa nilalaman

Komplemento (teorya ng pangkat)

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Kulay-pula ang loob ng bilog, samantalang puti naman ang mga nasa paligid nito. Ang kulay ng border nito ay itim.
Kung ang nakapula sa larawang ito ay ang pangkat na A...
Kulay-puti ang loob ng bilog rito, samantalang nakapula naman ang mga nasa paligid nito. Ang kulay ng border nito ay itim.
... ang komplemento nito ay ang lahat ng natira.

Sa teorya ng pangkat, ang komplemento (mula Kastila complemento, Ingles: complement) ng pangkat na A ay ang lahat ng mga elementong wala sa A.[1] Madalas itong isinusulat sa anyong Ac o A'.[2][3]

Kung ikokonsidera na ang lahat ng mga pangkat na sangkot ay mga subpangkat ng isang pangkat na U, ang ganap na komplemento (Ingles: absolute complement) ng A ay ang lahat ng elemento sa U na wala sa A. Samantala, ang kaugnay na komplemento o relatibong komplemento (Ingles: relative complement) ng pangkat na A kumpara sa B ay ang pangkat ng mga elementong nasa pangkat na B na wala sa A. Kilala rin ito sa tawag na kaibahan ng pangkat o diperensiya ng pangkat (Ingles: set difference), at isinusulat sa anyong B \ A.[2]

  1. "Complement (set) Definition (Illustrated Mathematics Dictionary)" [Kahulugan ng Komplemento (pangkat) (Nakalarawang Diksyunaryo ng Matematika)]. www.mathsisfun.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong Marso 23, 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 "Compendium of Mathematical Symbols" [Kompedyo ng mga Simbolong Pangmatematika]. Math Vault (sa wikang Ingles). Marso 1, 2020. Nakuha noong Marso 23, 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Complement and Set Difference" [Komplemento at Kaibahan ng Pangkat]. web.mnstate.edu. Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-01-23. Nakuha noong Marso 23, 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)


Matematika Ang lathalaing ito na tungkol sa Matematika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.