Pumunta sa nilalaman

Kondado ng San Diego, California

Mga koordinado: 33°01′N 116°46′W / 33.02°N 116.77°W / 33.02; -116.77
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Kondehan ng San Diego

San Diego County
county ng California
Watawat ng Kondehan ng San Diego
Watawat
Map
Mga koordinado: 33°01′N 116°46′W / 33.02°N 116.77°W / 33.02; -116.77
Bansa Estados Unidos ng Amerika
LokasyonCalifornia, Pacific States Region
Itinatag17 Pebrero 1850
Ipinangalan kay (sa)San Diego
KabiseraSan Diego
Bahagi
Lawak
 • Kabuuan11,721 km2 (4,526 milya kuwadrado)
Populasyon
 (1 Abril 2020, Senso)[1][2]
 • Kabuuan3,298,634
 • Kapal280/km2 (730/milya kuwadrado)
Sona ng orasPacific Time Zone
Websaythttps://www.sandiegocounty.gov/

Ang San Diego County ay isang county sa Katimugang California, Estados Unidos na matatagpuan sa silangang dalampasigan ng Karagatang Pasipiko sa malayong timog-kanluran ng estado ng California, Estados Unidos na naghahanggan sa Mehiko. Ayon sa senso noong 2000, ang county ay may kabuuang pupulasyon na 2,813,833, upang maging ikatlong pinakamatong county sa Estados Unidos. Ang populasyon nito noong 2007 ay umabot sa 3,098,269 katao, upang malagpasan nito ang Orange County [3] Ang county seat ay ang lungsod ng San Diego.

Ang pananatili ng mga Europeo sa ngayon ay San Diego County ay nagsimula ng matagpuan ang Mission San Diego de Alcala ng mga Kastila, noong 1769.

Ang San Diego County ay naging bahagi ng Estados Unidos dulot ng Kasunduan ng Guadalupe Hidalgo nooong 1848, na nagwawakas sa Digmaang Mehikano-Amerikano. Ang kasunduang ito ay nagsagawa ng mga bagong hangganan na nagwawakas sa baybayin ng Karagatang Pasipiko na nagdulot ng pag-alis ng isang liga ng mga Kastila sa timog ng dulong katimugang bahagi ng Look ng San Diego, na nag-papasigurado sa Estados Unidos na makuha ang mahusay na natural na daungan.

Ang San Diego County ay isa sa mga tunay na county ng Califonia, at nabuo noong panahon ng pagkakatatag noong 1850. Isinunod ang pangalan nito sa Look ng San Diego, na ipingalan naman bilang pag-alala sa Fransiskanong San Didacus ng Alcalá, na mas kilala sa Kastila bilang San Diego de Alcalá de Henares.

Bilang orihinal na nagawang county noong 1850, ang San Diego Coutny ay may kalakakihan na kinabibilangan ng halos lahat ng timog-silangang California at silangan ng Los Angeles County. Kaya't nakapaloob dito dati ang pangunahing bahagi ng mga county ng Inyo, San Bernardino, Riverside at Imperial.

Naging saksi ang huling bahagi ng ika-19 na dantaon sa maraming pagbabago ng hangganan ng mga county. Ang pinakahuli dito ay ang pagbuo ng Riverside County, noong 1893, at ng Imperial County, noong 1907.

Ayon sa U.S. Census Bureau, ang county ay may kabuuang sukat na 11,721 km² (4,526 mi²).

Ang San Diego County ay iba't ibang topograpiya. Sa kanluran bahagi nito ay ang pitongpung milyang baybayin. Mayelong kabundukan naman ang bumubuo sa hilagang silangan, kasama ang Disyerto ng Sonoran sa dulong silangan. Ang Pambansang Kagubatan ng Cleveland ay matatagpuan sa kabuuan ng gitnang bahagi ng county, samantalang ang Anza-Borrego Desert State Park ang bumubuo sa hilagang silangan.

Mga Lungsod at bayan sa San Diego County

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga Nakapaloob na Lungsod

Karamihan sa mga lungsod na makikita mula sa itaas ay bahagi ng San Diego-Tijuana metropolitan area.

Mga Pamayanang hindi Nakapaloob

Mga Pamayanang Urban ng San Diego County

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa San Diego County, karamihan sa mga lungsod urban at mga pamayanan ay nasa bahaging timog ng Interstate 8.

Mga kalapit na county at municipios

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Inprastrukturang Pangtransportasyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Pangunahing Lansangan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong 2006, mayroong 2,941,454 katao, 1,067,846 kabahayan, at 663,449 mag-anak ang naninirahan sa county. ang dami ng tao ay nasa 670 katao bawat milya parisukat (259/km²). Ang bumubuo sa mga lahi dito ay 52.3% ay mga puti, 10.2% ay Asyano, 5.6% Aprikanong-amerikano, 0.86% mga katutubong amerikano, 0.78% mga lahing Pasipikano, 13% mula sa iba pang mga lahi, at 5% ay mula sa higit o dalawang magkahalong lahi. 29.9% ng populasyon ay Latino.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. https://data.census.gov/cedsci/table?t=Populations%20and%20People&g=0100000US,%241600000&y=2020; hinango: 1 Enero 2022.
  2. https://data.census.gov/cedsci/table?t=Populations%20and%20People&g=0100000US,%241600000&y=2020; hinango: 1 Abril 2022.
  3. Estado ng California, Kagawaran ng Pananalapi (Mayo 2007). "E-1 Tantsa ng Populasyon paukol sa mga lungsod, county at mga estado kasama ang taunang bahagdan ng pagbabago — Enero 1, 2006 at 2007". Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-11-18. Nakuha noong 2007-07-10.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga Kawing Panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Padron:San Diego County

33°01′N 116°46′W / 33.02°N 116.77°W / 33.02; -116.77{{#coordinates:}}: hindi maaaring magkaroon ng isang pangunahing tatak sa bawa't pahina