Kris Aquino
Walang sangguniang binanggit o isinaad ang talambuhay na ito patungkol sa isang buhay na tao. (Pebrero 2010)
Makakatulong po kayo sa pagpapabuti nito sa pamamagitan ng pagdagdag ng mga maaasahan at mapagkakatiwalaang sanggunian. Tandaan lamang po na agad na tatanggalin ang mga kaduda-dudang materyales nang walang sanggunian o di kaya'y mahina ang pagkakasangguni. |
Kris Aquino | |
---|---|
Kapanganakan | Kristina Bernadette Cojuangco Aquino 14 Pebrero 1971 |
Trabaho | Aktres |
Asawa | James Yap (k. 2005–12) |
Anak | 2 |
Si Kristina Bernadette Aquino-Yap (ipinanganak bilang Kristina Bernadette Cojuangco Aquino noong 14 Pebrero 1971 sa Lungsod Quezon), o mas kilala bilang Kris Aquino, ay isang Pilipinang aktres sa telebisyon at mga pelikula. Siya ang panlima at bunsong anak nina dating Pangulong Corazon Aquino at Senador Benigno Aquino, Jr., isang sikat na senador ng oposisyon na kontra sa administrasyon ni Ferdinand Marcos.
Unang nakilala si Aquino sa mga welga laban sa pamahalaang Marcos lalo na nang sumikat ang kanyang ina sa politika. Nang napatalsik si Ferdinand Marcos noong 1986, pinasok niya ang showbiz. Nagsimula siya sa mga guest spots sa mga drama at komedya sa telebisyon, maging ang mga talk shows. Ang unang pelikula niya ay ang Pido Dida kasama si Rene Requiestas, isang aktor ng komedya.
Naging nominado siya para sa pelikulang The Fatima Buen Story. Kasama rin siya sa pelikulang The Vizconde Massacre. Ang pagtabo sa takilya at sunod-sunod na mga pelikula ukol sa mga massacre ang nagbigay sa kanya ng bansag na "Massacre Queen" ng ilang showbiz reporters.
Nang bumagal na ang kanyang career sa paggawa ng pelikula, pinasok niya ang telebisyon bilang isang talk show host. Pagkaraang magkaroon ng dalawang talk shows, kinuha siya ng ABS-CBN at pinangunahan ang Today with Kris Aquino. Naging host din siya ng Morning Girls, The Buzz, Pilipinas, Game Ka Na Ba? at Kapamilya, Deal or No Deal. Naging host din siya ng Wheel of Fortune. Sa kasalukuyan, siya ay gumaganap na Celine Crisanto sa teleseryeng Kung Tayo ay Magkakalayo. Isa rin siya sa mga hurado ng Pilipinas Got Talent.
Pelikula
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Segunda Mano (2011)
- Dalaw (2010)
- Sukob (2005)
- So... Happy Together (2004)
- Feng Shui (2004)
- Mano Po 2: My Home (2003)
- You and Me Against the World (2003)
- Mano Po (2002)
- Hiwaga ng Panday (1998)
- Saan Ako Nagkamali (1995)
- Bakit pa Kita Minahal (1994)
- The Fatima Buen Story (1994)
- Myrna Diones Story (1994)
- Tasya Fantasia (1994)
- Nandito Ako (1994)
- The Elsa Castillo Story... Ang Katotohanan (1994)
- Geron Olivar (1993)
- Humanda ka Mayor (1993)
- Vizconde Massacre (1993)
- Mahal Kita Walang Iba (1992)
- Pido Dida 3: May Kambal na (1992)
- Ang Siga at ang Sosyal (1992)
- Kai Xin Gui Shang Cuo Shen (1991)
- Pido Dida 2: Kasal na (1991)
- Shake, Rattle & Roll III (1991)
- Pangako ng Puso (1990)
- Pido Dida: Sabay Tayo (1990)
- Sisterakas (2012)
Telebisyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Kris TV (2011)- ABS-CBN
- Pilipinas Got Talent (2010)- ABS-CBN
- Kung tayo ay magkakalayo (2010)- ABS-CBN
- MMK:The Ninoy and Cory Story (2010) - ABS-CBN
- SNN (2009) - ABS CBN
- Boy & Kris (2008) - ABS CBN
- Wheel Of Fortune (2008) - ABS CBN
- Kapamilya, Deal or No Deal (2006) - ABS CBN
- Hiram (2004) - ABS CBN
- Good Morning, Kris (2004) - ABS CBN
- Morning Girls with Kris and Korina (2004) - ABS CBN
- Morning Girls (2004) - ABS CBN
- Balitang Kris (2004) - ABS CBN
- Kris and Tell (2001) - ABS CBN
- Game KNB? (2001) - ABS CBN
- The Buzz (2001) - ABS CBN
- Puwedeng-Puwede (1999) - ABS CBN
- Today with Kris Aquino (1995) - ABS CBN
- Startalk (1995) - GMA Network
- 'Sang Linggo Napo Sila (1995) - ABS CBN
- The Kris Aquino Show (1994) - PTV
- Startalk (1995) - GMA Network