Pumunta sa nilalaman

Kundol

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Kundol
Halos nasa edad nang kundol.
Klasipikasyong pang-agham edit
Kaharian: Plantae
Klado: Tracheophytes
Klado: Angiosperms
Klado: Eudicots
Klado: Rosids
Orden: Cucurbitales
Pamilya: Cucurbitaceae
Sari: Benincasa
Espesye:
B. hispida
Pangalang binomial
Benincasa hispida
Kundol na nasa tamang edad upang gawing minatamis.

Ang kundol[1] o Benincasa hispida (Ingles: winter melon, white gourd o "puting kalabasang ligaw," ash gourd o "abong kalabasang ligaw, wax gourd o "may pagkit na kalabasang ligaw"[2]) ay isang baging o halamang gumagapang na pinatutubo dahil sa napakalaki nitong prutas na kinakain bilang gulay. Mahimulmol o nababalutan ng himulmol ang bunga ito kapag bata o mura pa. Sa pagsapit ng hustong gulang, naaalis ang mga buhok ng prutas at nagkakaroon ng mapagkit na balot, kaya't tinatawag na "mapagkit na kalabasang ligaw" at maaaring maiimbak ng matagalan na hindi nasisira. Bagaman tinatawag ding milon ng taglamig o milon ng tagniyebe, bahagyang nakapanlilinlang ang pangalang ito dahil hindi ito isang matamis na prutas. Lumalaki na hanggang 1-2 mga metro ang haba ang kundol. Orihinal na inaalagaan ang kundol sa Timog-silangang Asya, ngunit malawakan na rin itong pinararami sa Silangang Asya at Timog Asya.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Gaboy, Luciano L. Wax gourd - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  2. Blake, Matthew (2008). "Gourd, kalabasang ligaw". Tagalog English Dictionary-English Tagalog Dictionary. Bansa.org.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), nasa Gourd Naka-arkibo 2016-03-06 sa Wayback Machine..

PrutasGulay Ang lathalaing ito na tungkol sa Prutas at Gulay ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.