Pumunta sa nilalaman

Kuroshio

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang daloy na Hapones, daloy ng Hapon, agos na Hapones, agos ng Hapon, agos na Kuroshio, daloy na Kuroshio, o Kuroshio lamang (sa wikang Hapones, ang Kuroshio ay may kahulugang "maitim na daloy" o "maitim na agos") ay isang mainit at may madilim na kulay na daloy ng karagatan sa Karagatang Pasipiko. Isa itong sanga ng Hilagang Daloy na Pang-ekuwador na "naghuhugas" sa silangang mga dalampasigan ng Pormosa, at dumadaloy pahilaga papunta sa Hapon, na lumiliko upang dumaan sa kahabaan ng baybayin ng Hilagang Amerika. Nakakaapekto ang mainit na tubig nito sa mga temperaturang pangdalampasigan, pag-ulan, at mga kalagayan ng mausok na hamog o maulap na hamog.

Hapon Ang lathalaing ito na tungkol sa Hapon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.